Advertisers
INIHAYAG ni Senator-Judge Kiko Pangilinan sa Senate Impeachment Court na opisyal nang nagpahayag si Sen. Rodante Marcoleta ng kaniyang kagustuhang makibahagi sa impeachment trial vs VP Sara Duterte.
Kinumpirma ito ni Pangilinan kasunod ng manifestation ni Sen. Erwin Tulfo na humihingi ng paglilinaw ukol sa 16-vote treshold para sa conviction ng isang impeachable official tulad ni VP Sara Duterte.
Ani Pangilinan, dati nang nagpadala ng komunikasyon si Marcoleta upang pormal na ipahayag ang kaniyang pagnanais na makibahagi sa nagpapatuloy na proceeding.
Ayon kay Pangilinan, ipinarating ni Marcoleta ang kaniyang formal request kapwa sa Senate President at sa Presiding Officer upang mapayagan siyang makibahagi sa paglilitis.
Ang naturang manifestation, ayon sa senador, ay magandang pagkakataon din para sa impeachment court upang ma-clarify, magdesisyon, at pag-usapan ang isyu ng pakikibahagi ng mga senador na nakakulong, sa mga aktibidad ng Senado.
Sa kasalukuyan, nakadetine si Marcoleta sa New Quezon City Jail Male Dormitory at nahaharap sa plunder charge.
Ang naturang kaso ay isang non-bailable offense, na nag-ugat sa mahigit P75 million na halaga ng undeclared campaign donations na umano’y ginamit niya noong kumandidato siya noong 2025.