Advertisers
Matagumpay na nailigtas ng EPD ang isang 52-anyos na babaeng bihag at nadakip ang suspek sa Brgy. Barangka Drive, Mandaluyong City ngayong umaga.
Ang suspek na si “Ed”, 43 anyos — kamakailan lumaya sa kulungan at walang kaugnayan sa biktima — ay humiling ng pagpapalabas sa media habang nakikipag-ugnayan sa pulisya. Pumasok ang SWAT at dinakip ito; nakuhang sandata ang isang itak.
Kasong Serious Illegal Detention ang kakaharapin ng akusado.
Ligtas ang biktima; dinala sa ospital ang parehong biktima at suspek.
Ayon kay EPD Director PBGen. Roman Arugay, ipinagmamalaki ang mabilis at propesyonal na pagtugon ng mga tauhan. (Edwin Moreno)