Advertisers

Advertisers

Alden muling nabuhay ang isyu kay Kathryn

0 3

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Marami ang nakisimpatiya sa sad boy era ni Alden Richards dahil sa kanyang naging pagtatapat sa show ni Vice Ganda.

Madalas daw kasing nauurot siya kung bakit single pa siya at walang dyowa sa edad na 34.

Dahil dito, naramdaman daw niya ang pressure ng edad na parang may takdang panahon para magkaroon ng partner, magpakasal at bumuo ng pamilya.

Aminado rin siyang dati siyang naghahanap ng babaeng bet niyang dyowain.

Katunayan, na-fall daw siya sa limang babae pero naudlot daw ang romansa niya sa mga ito.

Sey pa niya, may pagkakataon daw na siya ang umaatras at minsan ay ang girl kaya di natutuloy ang relasyon.

Pero sa pinakahuling heartbreak daw niya ay ang girl ang iniwan siya sa ere.

Dahil dito, nag-one plus one ang kibitzers.

Sa memorya kasi ng mga nagmamarisol, huling na-involved ang aktor sa kanyang love team partner na si Kathryn Bernardo noong ginagawa nila ang “Hello, Love, Goodbye.”

Naging item din noon ang diumano’y panunuyo ng aktor kay Kath.

Dahil sa confession niyang ito, muling nabuhay ang isyu sa kanila ng aktres.

Ito ang ilang hirit ng mga tsismosang kapitbahay.

“So, it can be told now na binasted siya ni Kath in favor of Lucena mayor.”
“Kaya naman after noong sweetness kemerut nila, they don’t see eye to eye anymore.”
“That explains kaya di uma-aattend si Kathryn ng awards night noong manalo ang HLA.Nag-iiwasan sila.”
“Grabe ang iyak ni Alden.Ang tagal din niyang kinimkim iyong pagiging broken hearted niya.”
“After Kath kasi wala nang na-involved sa kanya.”
“Nabalita nga noon na na-depressed si Alden pagkatapos mabasted ni Kath.”
“It’s confusing, si Alden ba o si Kath ang paasa. Iba ang hanash ng other girls na na-involved kay Tisoy.”
“Nagtataka lang ako bakit hindi niya pinursue at pinaglaban si Kathryn. Kulang ba siya sa self-confidence?”
“Ba’t parang kasalanan ni Kathryn.Hahaha”