Advertisers

Advertisers

MANILA LGU, MULING NAGPAALALA SA WASTONG PAGTATAPON NG BASURA

0 4

Advertisers

Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga residente na maging responsable sa pagtatapon ng basura, lalo na sa mga nakatira malapit sa estero, creek at ilog.



Giit ng Manila LGU, dapat paghiwa-hiwalayin ang basura at hintayin ang truck na mangongolekta nito, sa halip na ihagis sa daluyan ng tubig.

Ang paalala ay kasunod ng pagkuha ng 35 black bags ng basura ng Manila Department of Environment and Public Services (DEPS) sa isinagawang clean-up operation sa Estero de Magdalena.



Nilusong ng mga tauhan ng DEPS ang estero na matatagpuan sa Padre Algue Street, Barangay 259, Zone 23, P/B Charles Denver Ibay, District II.

Layon ng operasyon na alisin ang mga naipong basura at iba pang sagabal na maaaring magdulot ng pagbabara sa daluyan ng tubig, pagbaha, at sakit kung hindi agad malilinis. (Jocelyn Domenden)