Advertisers

Advertisers

KONGRESO, SISILIPIN ANG DELAY SA MGA KASO SA DOJ

0 4

Advertisers

HUMIHINGI ng paliwanag si Samar Second District Rep. Reynolds Michael T. Tan sa mga opisyal ng Department of Justice (DoJ) kung paano nito hinahawakan ang mga matagal nang nakabinbing Petitions for Review (PetRevs) at Motions for Reconsideration (MRs).

Plano ni Tan, miyembro ng House committee on Justice, na magpatawag ng isang congressional inquiry upang siyasatin ang estado ng mga nakabinbing PetRevs at MRs.

Nag-ugat ang interes ng mambabatas na tignan ang naturang isyu nang makatanggap ng liham mula sa pamilya ng isang magsasaka na napatay halos sampung 10 na ang nakakaraan,.

Nagpadala ng liham si Tan kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida, kung saan hinihingi niya ang paliwanag ng DOJ hinggil sa status at procedural history ng nakabinbing MR Manas, Sr., gayundin ang mga umiiral na mekanismo ng Kagawaran sa paghawak ng mga katulad na kasong matagal nang nananatili sa review.

Sinabi ni Tan na nais muna niyang makuha ang opisyal na paliwanag at mga pananaw ng DOJ bago magpatuloy sa anumang legislative inquiry.

Binigyang-diin ng miyembro ng House justice panel member na anumang hakbang ng Kongreso ay isasagawa nang may paggalang sa kalayaan ng DOJ at sa mga karapatan ng lahat ng panig.

Sinabi ni Tan na ang mas malawak na layunin ay matukoy kung ang umiiral na sistema ay naghahatid hindi lamang ng makatarungan kundi napapanahon ding hustisya.

Nag-ugat ang Manas case sa ambush killing sa magsasakang si Enrique Manas Sr. noong 2017 sa Sta. Margarita, Samar.

Inirekomenda ng National Prosecution Service noong 2019 ang pagsasampa ng mga kaso laban sa akusadong dating military colonel na si Emilio Zosa at sa kanyang mga kapwa akusado. Kalaunan ay naglabas ang Regional Trial Court sa Tacloban ng warrant of arrest noong Setyembre 2021.

Nahinto ang prosecution matapos baligtarin ni dating DOJ Undersecretary Adrian Sugay ang naunang disposition noong Disyembre 2021.

Binaligtad naman ni dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang disposition ni Sugay noong Enero 16, 2025, at ibinalik ang prosecution.

Kasunod nito, iniutos ni DOJ Prosecutor General Richard Fadullon ang pagsasampa ng criminal Information, na natanggap ng RTC sa Tacloban noong Marso 19, 2026.

Kalaunan ay naghain si Zosa ng MR sa DOJ, na muling nagbalik sa usapin sa departmental review.

Para kay Tan, gayunman, higit pa sa nakabinbing MR sa Manas case ang usapin.