Advertisers

Advertisers

KATHERINE LUNA, NAGBAGONG BUHAY NA

0 3

Advertisers

Ni Favatinni San

HINDI lang sa teleseryeng Sigabo mapapanood si Katherine Luna, sa kanyang pagba-blog sa social media. Hindi niya solo kasama ang mga anak.

Ibang Katherine ngayon ang napapanood. Simula na siya ay na-interbyu ni Julius Babao sa kanyang vlog, e tila nagbago na ang aktres.

Sumipat ang kanyang mata, may sira ang ngipin at payat ang pangangatawan.

Pinagtapat din niya na ‘di si Coco Martin ang ama ni Nicole, ang kanyang panganay. Walo ang anak niya sa anim na lalaki na kanyang nakarelasyon.

“Salamat kay Sir Julius dahil sa interbyu na ‘yun, may nagparating kay Direk Coco. Si mareng Ogie ang nagparating kay Direk Coco. Kaya humingi ng tulong. Hindi dahil sa nagkasakit siya, napaganot ang mata, ngipin. Pinaganda pa ako.

Inalok sa Sigabo kaya sa storycon ng Sigabo, sina Julia at direk Coco ang lumapit e ramram ko sensiredad nila, role niya bilang Pia sa NLEA, isang police agency.

Kung sabagay, mahusay pa rin siyang umarte, may mga eksena sila ni Julia (as Sam Jacinto). Magkaroon din kaya sila ng eksena ni direk Coco, abangan.

Sa Gen-Z, sa pelikulang “Ang babaeng nasa Breakwater” kung nagkamit ng best actress si Kat at sinali sa iba’t ibang international filmfest. Sa launching movie ni Coco na “Masahista,” may special appearance si Kat bilang girlfriend at nagkaroon ng relasyon.

Basta maniwala tayo, nagbagong buhay na si Kat.