Advertisers

Advertisers

AI-AI DELAS ALAS, GREEN CARD LANG NG EX-MISTER ANG PINA-REVOKE, ‘DI PINA-DEPORT

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

NILINAW ni Ai-Ai delas Alas na hindi niya ipinadeport sa Amerika ang kanyang dating asawang si Gerald Sibayan matapos magtanong ang isang netizen tungkol sa status nito.

Ayon kay Ai-Ai, green card lamang ni Gerald ang kanyang ipina-revoke at hindi niya kailanman hinangad na mapaalis ito sa US.

“Di ko kaya ipa-deport siya,” saad ng aktres, sabay sabing ipinauubaya na niya sa Diyos ang mangyayari sa dating asawa.

Ipinaliwanag din niya na kasabay umano ng kanilang divorce ang revocation ng green card.

Samantala, naiulat na muling nagpakasal si Gerald ngayong buwan sa San Francisco City Hall.

Nagpakasal sina Ai-Ai at Gerald noong 2017 at nag-renew ng kanilang vows noong 2022. Naghiwalay sila noong 2024 at na-finalize ang kanilang divorce sa US noong Marso.

Sa kabila nito, sinabi ni Ai-Ai na naka-move forward na siya at okay na okay sa kanyang buhay.

Nagpasalamat din siya sa mga nag-aalala at sinabing wala siyang dahilan para maapektuhan sa muling pagpapakasal ni Gerald.