Advertisers
Ni Anne Venancio
MAY plano na para sa kasal sina Cristine Reyes at fiancé niyang si Atty. Gio Tingson, pero wala pa silang final wedding date.
Engaged na ang dalawa mula Mayo, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa detalyado ang kanilang wedding preparations.
Ayon kay Cristine, hati sila ni Gio sa mga kailangang ayusin para sa kanilang kasal. Siya ang mas tututok sa wedding gown at iba pang bagay para sa bride, habang si Gio naman ang bahala sa ibang preparations, kabilang ang mga kailangang ayusin sa simbahan.
Hindi rin umano kailangan ng magkasintahan ng bonggang celebration. Mas gusto nila ang simple at naaayon sa kung ano ang gusto nilang dalawa.
Posible umanong matuloy ang kasal bago matapos ang taon, ngunit kung hindi ito kakayanin, maaaring sa 2027 na ito ganapin. Wala pa ring eksaktong petsang napagdesisyunan ang couple.
Samantala, excited naman si Ara Mina para sa kasal ng kanyang kapatid. Ayon kay Cristine, mas tutok pa raw ang kanyang ate sa wedding plans kaysa sa kanya.
Para naman kay Cristine, si Gio na ang taong matagal niyang hinihintay at nakikita niyang makakasama niya sa buhay.