Advertisers

Advertisers

ERWIN TULFO NAGBABALA SA TRAHEDYA NG M/V JUNE ASTER: HUWAG IABANDONA MGA BIKTIMA!

0 4

Advertisers

HINIKAYAT ni Senador Erwin Tulfo ang pamahalaan na bilisan na ang aksyon para makapagbigay nang maayos na danyos sa mga bitkima ng trahedya sa M/V June Aster, ang passenger ferry na nasunog sa Coron, Palawan noong 9 Setyembre. Umabot sa 77 ang nasawi habang walo ang nananatiling nawawala, dahilan upang ituring ito na “one of the country’s most deadliest maritime tragedies in recent years.”

“Nakakakilabot at napasakit po ng nangyaring ito. Hindi tayo pwedeng manahimik lang at pabayaan ang mga naulilang pamilya at ang mga survivors na labis na na-trauma,” babala ni Tulfo.

Ang panawagan ng Senador ay kasunod ng mga natanggap na ulat mula sa mga nagdadalamhating pamilya na pinauwi na lamang daw at pinaghihintay ng mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay. Ayon pa sa mga biktima, pinabayaan na umano sila ng operator ng ferry, ang Atienza Interisland Ferries Inc.

“Hindi po parcel ang labi ng kanilang pamilya! Puno ng pangarap yung mga kababayan natin na lumayag mula sa Baseco port, tapos ay mamamatay, mato-trauma, at papabayaan lang? Kawalan ng hustisya ito!” pahayag ng Senador na nagmula rin sa Palawan.

Muling hinimok ni Tulfo ang Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) na paspasan ang imbestigasyon at tiyaking mapapanagot nang buo ang kumpanya ng ferry.

“Ano ba talaga ang nangyari sa ferry na iyon? May mga inilagay ba doon na peligrosong kargamento? At bakit sa mga nakikitang video ng mga survivor, parang walang emergency protocols na sinunod noong sumiklab ang sunog?” tanong ng Senador.

“At paano na rin ang danyos sa kanila? Dumudulog sa aking opisina ang mga biktima dahil wala man lang tumutulong sa kanila mula sa kumpanya matapos ang sakuna. Hindi natin pwedeng palampasin ito.” dagdag pa niya.

Tiniyak ni Tulfo na dadalhin niya ang usaping ito sa Senado para maabot ang hustisya para sa mga biktima ay makabuo ng reporma sa sistema. ###