Advertisers

Advertisers

TIEZA, tinalakay ang multi-level parking project sa Iloilo Government Center

0 3

Advertisers

Nakipagpulong si TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid kay Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. upang talakayin ang mga iminumungkahing tourism infrastructure project ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo.

Kabilang sa mga tinalakay ang panukalang pagtatayo ng multi-level parking facility sa Iloilo Government Center, na ipinrisinta kay Lapid sa ginanap na pagpupulong sa Iloilo Provincial Capitol sa Iloilo City.

Ang Iloilo Government Center ay isang state-of-the-art complex na itinatayo sa Barangay Bolong Oeste at Inangayan sa Sta. Barbara, kung saan nakatakdang ilagay ang mga tanggapan ng ilang ahensya ng pamahalaan.



Bahagi rin ng development plan ang pagtatayo ng mga hotel, convention center at commercial establishments sa naturang complex, na kasalukuyan nang isinasagawa ang development.

Ayon kay Lapid, malaking tulong ang multi-level parking facility upang magkaroon ng sapat na parking space para sa mga sasakyang pupunta sa government center at makatulong sa mas maayos na daloy ng trapiko sa lugar.



Matapos ang pagpupulong, nagtungo sina Lapid at Governor Defensor, kasama si Sta. Barbara Mayor Dennis Suferficial at iba pang lokal na opisyal, sa lugar na pagtatayuan ng Iloilo Government Center.

May kabuuang lawak na 6.3 ektarya ang proyekto at matatagpuan malapit sa makasaysayang Iloilo Golf and Country Club at sa Iloilo International Airport.



Ang panukalang proyekto ay isusumite para sa kaukulang pagsusuri at pag-apruba ng TIEZA.