Advertisers

Advertisers

TESTIMONYA NG AMLC MAHALAGA – RIDON

0 29

Advertisers

HINDI mali ang pasya ng Prosecution Panel na unahin isalang si Ronel Buenaventura, executive director ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), sa Senate Impeachment Court (SIC). Sa Lunes ay haharap si Buenaventura sa pagpapatuloy ng pagdinig ng SIC. Inaasahang ibibigay ng hepe ng AMLC ang buod ng mga dokumento tungkol sa mga salapi na dumaan sa SALN at bank account ng mag-asawang Misfit Sara at Mans Carpio.

“That is our understanding. We had adjourned today so that we can resume on Monday for the AMLC executive director testimony,” ani Tagausig Terry Ridon ng Bicol Saro Party List sa isang posttrial press briefing noong Huwebes. Ipinagpaliban ang salaysay ni Buenaventura dahil humingi ang kampo ni Misfit Sara ng karagdagang araw upang ganap na mapag-aralan ang inilagah ng mga AMLC record at maghanda sa cross-examination.

“This provides an opportunity for the defense to peruse all of the documents that they had been mentioning na voluminous documents po ito so that they can adequately prepare for the direct and for the cross,” ani Ridon. Plano sana ng mag Tagausig mula sa Camara de Representante na iharap si Buenaventura noong Huwebes, ayon sa Punong Tagausig na si Kin. Jinky Luistro ng Batangas dahil nais nila na mapabilis ang proseso ng pagdinig.



“It has always been our intention to expedite the trial, the presentation of the evidence of the prosecution. And as you have witnessed, we insisted on proceeding to the presentation of AMLC,” ani Luistro. Tinanggap ng prosekusyon ang desisyon ng SIC na ipagpaliban ang pagharap ni Buenaventura.

Dahil sa isasalang na si Buenaventura sa SIC, minabuti ni dating Sen. Sonny Trillanes na iurong na rin niya ang plano na humarap sa SIC upang ibigay ang kanyang kuwento hinggil sa tagong yamang ng mga Duterte at ang kanilang pakikiniig sa mga kilalang panginoong may droga sa Davao City. Batid namin na naramdaman ni Trillanes na mas mahalaga ang isisiwalat ng AMLC dahil mga opisyal ng dokumento at datos ang ibibigay ni Buenaventura.



Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na mawawalan ng saysay kung anuman ang hawak ni Trillanes. Ngayong umaga, haharap si Trillanes sa isang pulong balitaan sa Club Filipino sa San Juan City upang isiwalat ang mga bagong impormasyon na kanyang nakalap hinggil sa ilang pangunahing pulitiko sa bansa.

Kinakatakutan ang hindi pagharap ni Trillanes sa SIC dahil hindi siya sasailalim sa anumang sumpa at malaya niyang masasabi ang kanyang nais. Walang senator-judge ang haharang sa kanya at hindi niya kailangan isaalang-alang ang proseso ng SIC. Hindi rin siya sakop ng sub judice rule ng SIC.



May mga hugong na kasama na sa mga bagong impormasyon ang tungkol sa kalokohan ni Tricky Escudero na pinaghinalaang naliligaw ang SIC sa kanyang pamamahala sa SIC. May mga pananaw na makiling umano si Tricky Tsis sa kampo ni Misfit Sara. Hindi niya maitago uman ang simplatiya niya sa Misfit.

Ito ang dahilan kung bakit may mga panawagan na palitan si Tricky Tsis bilang presiding office ng SIC. Hindi malinaw kung ano ang ibinulgar ni Trillanes maliban sa magarbong pamumuhay ng kabiyak na si Heart Evangelista. Hindi kakayanin ng kita ni Tricky Tsis bilang mambabatas ang nabalitang luho ni Heart.

Maliban sa hinihinging dagdag na oras na gugugulin sa paghahanda ng depensa, ikinatwiran ng mga manananggol ni Misfit Sara ang mga confidentiality provision ng Section 8-A ng Anti-Money Laundering Act sa paglabas at paggamit ng mga AMLC record sa impeachment trial.

Naunang tinutulan ng SIC ang broad confidentiality objection ng pagbigyan ang hiling ng Prosecution panel na nagbigay ng subpoena sa mga AMLC record noong Hulyo. Nanalig ang SIC na ang probisyon ng Section 8-A ay para lamang sa hindi awtorisadong disclosure ng mga tauhan ng AMLC at hindi ito sakop ang kapangayarihan ng SIC na mag-isyu ng subpoena.

Iniutos ng SIC na pagbibigay ng kopya ng mga kahina-hinalang transaction report bilang katibayan sa tagong ilegal ng yaman ni Misfit Sara. Nirepaso ng mga record in-camera ni Tricky Tsis bago ipamudmod ang mga kopya para sa paglilitis.

Binigyan ni Tricky Tsis na dagdag na panahon ang depensa dahil sa “courtesy and equity” upang mapag-aralan nila ang mga dokumento. Ipinaalala ni Private Prosecutor Lorna Kapunan ang bilin ni Ping Lacson na pag-aralan ang Section 2 ng Bank Secrecy Law na nagbibigay ng exception sa mga reklamong impeachment. “I think that confirms the position of the prosecution that the exception, that the defense argument will not hold,” ani Kapunan.