Advertisers

Advertisers

Palasyo sa gov’t. agencies: Gawing simple ang Christmas celebration

0 22

Advertisers

MULING pinaalalahanan ng Malacañang ang mga tanggapan ng pamahalaan na panatilihing simple ang kanilang pagdiriwang ng Pasko at iwasan ang labis na paggastos.

Ayon kay Communications Undersecretary Atty. Claire Castro, nananatiling umiiral ang naunang direktiba ng Palasyo na magtipid sa paggamit ng resources sa gitna ng epekto ng krisis sa Middle East.

Sinabi ni Castro na hindi na kailangang maglabas pa ng panibagong kautusan dahil dapat alam na ng mga ahensya ang responsibilidad na panatilihing simple ang kanilang mga aktibidad.



Binigyang-diin ni Castro na marami pang isyung kailangang tugunan ng pamahalaan, kabilang ang paghahanda sa posibleng epekto ng tagtuyot.

Samantala, tiniyak naman ng Palace official na nagpapatuloy ang paghahanda ng gobyerno upang mapanatili ang sapat na suplay ng pagkain, tubig at enerhiya sa harap ng inaasahang epekto ng El Niño. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">