Advertisers
Ni TIMMY BASIL
KAHIT may mga nababasa tayo sa online na mga netizens na nagrereklamo sa composition ngayon ng PBB Collab 3.0 na bakit nagpa audition pa sila noon to think na di naman mga basta ordinaryo ang mga napiling housemates, may mga sikat na at ang iba ay mga social media influencers .pero di rin talaga maitatatwa na may big followers talaga ang Pinoy Big Brother lalo na sa mga kabataan.
Isa si Mikee Quintos na may pangalan na, ang nasa loob ngayon ng Bahay ni Kuya at ang co-housemate niya na si Wyn Wyn Marquez, na anak ni Alma Moreno ang unang nakapansin na kahawig ni Mikee ang kanyang ina. Flattered naman si Mikee, siyempre ; Alma Moreno yan, isa sa goddess ng Philippine Movies.
Kahawig nga naman talaga lalo na ngayong nagpa short hair si Mikee. Pero ang tanong, advantage kaya or disadvantage para kay Mikee ang pagiging kalookalike niya kay Alma para maging ultimate winner ng PBB Collab 3.0?
Alam nating botohan dyan, maraming mayayamang hoiusemates , maraming may million followers. Noong unang mga araw, nagiging close sina Mikee and Jeo Ong (na marami naman ang nagsasabi na parang young Bong Revilla) at may ngapakaramin ring followers being the son of famous vlogger Geo Ong of Ongfam. Jeo is only 18 and Mikee is 28, malaki ang ag gap at sa ngayon, mukhang nahuhumaling si Jeo kay Gehlee Dangca, ang Darling K Pop Idol ng Las Pinas .
SHERYL ALCANTARA , STILL THE UNDISPUTED PEARL OF TOKYO
SA loob ng mahigit 10 taon ay hawak pa rin ni Sheryl Alcantara ang title na Pearl of Tokyo na kanyang nakuha sa pagmo modelo noon ng isang sikat na whitening soap sa Japan kungsaan ito ang kanyang naging susi para mapasali sa Paris Fashion show at iba pang international engagements.
Isang businesswoman si Sheryl sa Japan at isa rin siyang singer , sa tuwing mayroong Pinoy artists na magso show sa Japan ay laging kasama si Sheryl as front act.
Ang last niya ay with Yeng Constantino na ginanap 2 weeks ago sa Nagoya. Lately, bukod sa pagiging businesswoman ay active din si Sheryl sa PMCC 4th Watch , binabalanse niiya ang negosyo at ang paglilingkod sa Diyos
Mahilig si Sheryl sa mga Pinoy na nagba-viral sa social media in fact, siya ang presidente ng Maeby Japan, (tambalan nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino: in fact, noong 2nd monthsary ng Maeby ay umuwi pa si Sheryl at nanood sa Eat Bulaga upang mayakap at makapag selfie sa Maeby .
Wish ni Sheryl na sana madugtungan ang Maeby, “sayang kasi, ang lakas-lakas ng kanilang tambalan, at sila talaga ang stress reliever naming nasa abroad,” sabi ni Sheryl nang maka-chat ko siya regarding Maeby.