Advertisers

Advertisers

HAPAG PROJECT PAGKAIN SA BARANGAY!

0 2,711

Advertisers

Kung ang lahat ng BARANGAY partikular na sa iba’t ibang lungsod ng ating bansa ay mapaglalaanan ang inisyatibong proyekto ng DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) na HAPAG SA BARANGAY PROJECT o ang “HALINA’T MAGTANIM NG PRUTAS AT GULAY ay magiging malaking katulungan ito para sa karagdagang halamang-pagkain na mailalapag sa hapag-kainan ng bawat sambahayan.

Batay sa nilalaman ng DILG MEMORANDUM CIRCULAR No. 2023-001, ang HAPAG SA BARANGAY PROJECT ay naglalayong palakasin ang kapasidad ng mga BARANGAY hinggil sa SUSTAINABLE AGRICULTURE INITIATIVES sa paraang mapaunlad ang mga BARANGAY COMMUNITY GARDENING at mahikayat ang mga sambahayan at komunidad sa pagtatanim ng mga PRUTAS at GULAY sa mga espasyo sa kani-kanilang mga bahay o bakuran.

Ang naturang proyekto ay pinasimulan sa BRGY. HOLY SPIRIT, QUEZON CITY nang si DILG USEC FOR BRGY. AFFAIRS FELICITO “CHITO” VALMOCINA ang siyang BRGY. CHAIRMAN noon.., na isa sa requirement ng kanilang mga BRGY. EMPLOYEE ay ang pagkakaroon ng mga tanim na halamang GULAY sa kanikanilang bakanteng espasyo sa bahay.., kung saan nang isulong ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. ang paglutas sa food shortage ay ipinanukala ni USEC VALMOCINA ang proyektong kaniyang pinasimulan sa kanilang Barangay.., at ito ay agad na sinang-ayunan ni DILG SECRETARY BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR.



Higit na malaking katulungan ang proyekto para sa mga naninirahan sa METRO MANILA o URBAN CITIES na halos kapos na ang mga bakanteng lote dahil sa mga nagsisiksikang istraktura.., na ang isang pamamaraan ng pagtatanim ay ang paggamit ng mga plastic bottle, mga paso at iba pang gamit na maaaring isabit lang sa dingding o sa pader o kaya ay dapat nang concrete cement ang rooftop ng mga bahay at hindi yero upang magamit na puwesto sa pagtatanim ng mga halamang GULAY.

Sa ganitong pamamaraan ay makababawas pa sa gastusin ng pamilya na imbes bumili sa palengke ng sili, kalamansi, sibuyas, bawang, luya at mga halamang gulay ay pipitas na lamang sila sa kani-kanilang mga tanim.



Sabi nga minsan ni USEC. VALMOCINA.., ang ating bansa ay hindi dapat na nag-aangkat ng mga gulay, bigas, karne at mga isda dahil ang ating bansa ay agricultural land at napaliligiran ng mga karagatan.., na aniya ay kailangan lamang pagtuunan ang sektor ng agrikultura sa pangunguna ng DEPARTMENT OF AGRICULTURE kasama ang ANIMAL, PLANT at BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES upang hindi magkaroon ng food shortage sa ating bansa!

***



EARTH HOUR 2023 PANGUNGUNAHAN NG QC!

Ang kinikilalang pinakamalaking lungsod na laging nangunguna sa CLIMATE ACTION sa ating bansa ay magsisilbing host ngayon ang QUEZON CITY sa pakikipagtuwangan sa WORLD WIDE FUND FOR NATURE-PHILIPPINES (WWF-PHILIPPINES) para sa idaraos na EARTH HOUR CELEBRATION sa ating bansa sa darating na March 25, 2023.

Ang naturang lungsod ay isa sa 7,000 CITIES mula sa 197 COUNTRIES na makikipahpartisipa sa paggunita ng EARTH HOUR na itinuturing na Isa sa WORLD’S LARGEST GRASSROOTS ENVIRONMENTAL MOVEMENTS.

“Local Government Units like Quezon City play a big part in raising awareness about the threats of climate change among our constituents. That’s why every environmental program and initiative we have established and are currently planning are inclusive and responsive to the circumstances of our people,” pahayag ni MAYOR JOY BELMONTE.

Sa naturang idaraos na selebrasyon ay isang PRESS COBFERENCE ang isinagawa nitong March 10 sa EXECUTIVE LOUNGE ng QC HALL na ang nagsilbing HOST/EMCEE ay si EARTH HOUR ANBASSADOR MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI.., na ang event ay katatampukan ng SWITCH OFF o pagtigil sa paggamit ng kuryente sa oras na 8:30 ng gabi sa March 25 sa QUEZON MEMORIAL CIRCLE .., isang oras na ‘di paggamit ng ilaw o kuryente sa sa lahat ng CITY GOVERNMENT-RUN BUILDINGS at hinihikayat din ang mga QCitizens at business owners na makipagpartisipa sa paraang i-switch off ang kanilang mga non-essential lights!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.