Advertisers

Advertisers

UTAS NA NPA LIDER SA LEYTE

0 4

Advertisers

ANG Baybay, Leyte ay nadeklara ng ‘insurgency-free’ noong February 7, 2025. Ibig sabihin nito, payapa na ang lugar dahil napalaya na sa gulong dala ng New People’s Army (NPA). Kaya aking ikinagulat nang malaman kong may napaslang na NPA lider kamakailan lamang sa lugar na iyan.

Ang ulat ni Brig. Gen. Pompeyo Jason Almagro, commander ng 802nd Infantry Brigade, mataas o’ ranking lider itong si Erwin Murillo Maceda, a.k.a. “Romnick,” dahil vice team leader ito ng Island Committee Levox sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee ng NPA.

Sa ulat pa rin ni Almagro, napatay si Maceda sa isang enkwentro sa kagubatan malapit sa Barangay Caridad.
Patago-tago at walang mapuntahan kung di kamatayan kung di susuko, sabi nga ng Army official.

Maganda ang nangyari, dahil nalilimas ng ating kasundaluhan ang mga nanggugulo sa lugar na noon pang mga nakaraang taon tinataboy at pilit na inuubos upang makalaya ang Baybay, Leyte. Nangyari naman, kaya lamang may natira pa. Pero di tumigil ang mga tropa ng ating pamahalaan.

Kasi nakikipagtulungan na rin ang mga residente, sila ang nakapagtimbre kung saan nagtatago itong si Maceda. Dahil lumulutang pa pala ito kasama ang natitira pang kapwa mga rebelde, para manakot at mangikil.

Nang matiyempuhan, magkaroon ng mga limang minutong putukan at yun nga, nautas di Maceda, at isang
M16 rifle ang narecover sa kanya.

Ang pagkakapatay sa NPA lider ang muling sumira sa masama nilang gawain, kaya ang ating panawagan sa mga natitira pang mga NPA sa lugar, huwag niyo nang antayin pa nagaya kayo kay Maceda. Sumuko kayo at matikman niyo naman ang kaginhawahan.

Sabi nga ni Almagro, matagal na nagdusa, nagtiyaga, at mamuhay sa takot ang mga taga-Leyte, kaya ngayon ay kapanalig na sila ng pamahalaan at nakikiisa na rito, dahil napagtanto nilang mali ang suportahan ang mga rebelde.

At yan naman ang laging adhikain ng pamahalaan ang proteksiyunan ang taong bayan.