Advertisers

Advertisers

EX-HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ, PINILING HUMARAP KESA TUMAKAS; JASGH, PINASALAMATAN

0 3

Advertisers

Bago ang lahat, nais iparating ng ilang pasyente ang buong-pusong pasasalamat at papuri kay Justice Abad Santos General Hospital (JASGH) Dr. Ted Martin sa maganda at maayos nitong pamamalakad sa nasabing ospital.

Napakalinis at maayos ang kabuuan ng ospital. Mababait naman ang mga tauhan at maagap ang mga ito sa pag-aasikaso ng mga pasyenteng nagtutungo doon upang magpagamot o magpatingin.

Partikular ding pinuri at pinasalamatan ng mga naturang pasyente ang napaka-humble na kanang-kamay ni Dr. Martin na si Rowena ‘Weng’ Payumo Francisco, gayundin ang masisipag na medical staff gaya nina Dr. Benjamin Deveza at Registered Nurse Doncillo Castro, Jr. at Sussie Brillante.

Ganito rin naman kasi ang pinuno ng ospital na si Dr. Martin— mabait, masipag, mabilis umaksyon at laging nakangiti sa mga sineserbisyuhan.

Idagdag pa diyan na ito ay magaling na doktor na patuloy na nagki-clinic sa St. Luke’s Hospital bilang pediatrician.

Kumpara sa ibang pampublikong ospital, isama na ang national, malayo na talaga ang narating ng JASGH sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Martin. Congratulations sa pamunuan at mga taga-JASGH and keep up the good work!!!

***

Kung tutuusin,maituturing ding kapuri-puri ang paninindigang ipinakikita ni dating House Speaker Martin Romualdez, sa kabila ng kaliwa’t-kanang akusasyon laban sa kanya.

Alam naman nating lahat na kung tutuusin, kayang-kaya ni Romualdez na magtago kagaya ng ginawa ni dating Rep. Zaldy Co, pero hindi niya ito ginawa.

Sa halip, pinili niyang harapin ang mga akusasyon laban sa kanya bilang isang mambabatas na may respeto sa hustisya sa bansa.

“This is a difficult moment for me and my family. But I will face the days ahead with dignity, with faith in God and with confidence in the truth,” aniya.

“I have always said that I will face the charges against me and answer them before the proper court. That has not changed,” ani Romualdez, kasabay ng pagbibigay-diin na: “I maintain my innocence. Haharapin ko ang kaso. Sasagutin ko ang mga paratang.”

Hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa Cardinal Santos Medical Center at Philippine General Hospital kung saan siya nanatili bago siya ilipat sa Quezon City Jail sa Payatas.

Si Romualdez ay na-diagnose na may multi-disciplinary set of chronic cardiovascular, metabolic, neurological at psychological conditions.

Sa totoo lang, marami na ding iniindang sakit si Romualdez. Kabilang diyan ang type 2 diabetes, hypertension (high blood pressure), primary hypothyroidism (low thyroid hormone levels) at dyslipidemia (high cholesterol/fats in the blood); angioplasty at low-to-moderate annual risk for heart complications; previous stroke na nakita sa MRI scan at may kasamang mild chronic blood vessel disease in the brain, severe sleep apnea at major depressive disorder at anxiety.

Kaya dun sa mga nagsasabing ‘drama’ ang sinasabing pagkakaroon ng mga sakit ni Romualdez, ibahin natin siya sa kaso ng ibang pulitiko. Mahirap pekein ang dami ng sakit na nailista sa kaso ni Romualdez.

‘Yung paninindigan niya na siya ay inosente at haharapin niya ang kaso nang may tiwala sa sistema, katotohanan at Panginoon ay nangangahulugan lamang na mayroon siyang pinanghahawakan para depensahan ang sarili laban sa mga bintang.

Kasi, kung wala siyang anumang maipakikitang anumang depensa para patunayan na mali ang mga paratang sa kanya, disin sana ay nagtago na lang ito matagal na, gaya nga ng ginawa ni Zaldy Co.

May mga iba pang pulitiko na naka-amoy pa lamang ng ambang kaso laban sa kanila ay inunahan na ng paglayas sa bansa para magtago. ‘Yan ang talagang guilty.

Ika nga, ang pag-alis ng bansa ay isang indikasyon ng ‘guilt.’

Gaya ng lahat ng nahaharap sa anumang kaso, ang isang akusado ay dapat na ituring na inosente ‘until proven guilty.’

Karapatan din naman ni Romualdez na magkaroon ng ganyang uri ng pagtrato.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.