Advertisers
Alkalde pa lang si PDU30 ay personal ko nang kilala si Senator Bong Go.
Parati niyang iniimbitahan ang inyong lingkod pag may mga special events siya sa Davao City partikular tuwing Kadayawan Festival at Araw ng Dabaw.
Isang simpleng personaheng kilala ng lahat dahil siya lang naman ang ‘Little Mayor’ doon bilang kaliwa’t kanang kamay ni xmDigong at bawat salita niya ay kataga ng kanyang pinunong sa kalaunan ay magiging Pangulo pala ng Pilipinas.
Op kors pagpunta ng Palasyo ay kasama ang ating kaibigan at kaisport na si Go.
Hindi nagtagal ay naging Senador siya ng Republika.Malaking dahilan ang pagiging loyal niya sa Pangulo hanggang dulo.Ugaling nagustuhan sa kanya ng sambayanang Pilipino,ang pagiging tapat na tao.
Di natin akalaing magiging isang magaling na mambabatas ang workaholic palang si SBG at ang prayoridad ng kanyang serbisyo ay ang malasakit sa tao.
Tunay na walang nakakaalam sa magiging kapalaran ng indibidwal.Magmula sa isang simpleng kawani hanggang sa mas mataas pa bilang Senador..malay natin…basta isa lang ang tiyak,saan man makarating ang BONG GO DESTINY,di sya nagbabago sa tao at tunay magserbisyo.
ABANGAN!
Lowcut: FYI..Si Sen .Bong Go ay naging basketball player noong kanyang prime sa La Salle.Personal kong nasaksihan ang kanyang record 15 na 3- point shots ( me bantay) sa isang aktuwal na laro sa Davao kakampi nya si Glenn Escandor ng Royal Mandaya kontra PBA Legends noon.Kahit na singkit ay asintado si Go kaya pala pati paglilingkod ay… threee poooints!