Advertisers
Naresto ang limang drug dealer sa inilunsad na anti-drug operation sa probinsya ng Lanao Del Sur.
Kinilala ang mga suspek na sina Lenlen Ampaso alyas Basit, 41, residente ng Barangay Poblacion Kapatagan Lanao Del Sur; Johary Macarao, 24, binata at nakatira sa Marawi City; Amrodin Adel, 23, binata at residente ng Sapad Lanao Del Norte, Proxy Rauring, 41; at Abdul Sawaf Auring, 19 na kapwa nakatira sa Barangay Basak Lapu-Lapu City.
Sa ulat, nagsagawa ng drug buybust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) sa Purok 3 Brgy. Poblacion Kapatagan Lanao Del Sur sa pangunguna ng mga tauhan ng PDEA-10, Kapatagan MPS, PNP-10 Regional Intelligence Division at PNP Special Operations Unit 6.
Narekober sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000.00.
Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(PFT team)