Advertisers

Advertisers

Construction worker, timbog sa droga

0 126

Advertisers

NADAKIP ang isang construction worker nang mahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Baesa, Quezon City.

Kinilala ni PLTCOL. Mark Janis Ballesteros hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa ang nadakip na si Francis Joves alyas Sam, 45, binata, construction ng no. 17 Virginia Drive, Jordan Valley Village, Brgy. Baesa, QC.

Sinabi ni Cpl. Erwin Cordero investigator nadakip ang suspek sa bahay nito sa no. 17 Virginia Drive, Jordan Valley Village, Brgy. Baesa, QC 12:50 ng madaling araw nitong Marso 16, 2023 (Huwebes).



Ayon kay Cordero, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek sa naturang lugar sa pangunguna ni Capt. Elvin Olmedillo nang makatanggap ng ulat hinggil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Nakuha mula sa suspek ang may 1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.00.

Kasalukuyan nakapiit ang suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)