Advertisers
UMAKYAT na sa 336,926 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,249 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon ngayong Sabado, Oktubre 10.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 549, Region 4A na may 446, Region 6 na may 250.
Nakapagtala naman ang DOH ng 842 na bagong gumaling mula sa covid-19. Dahil dito nasa kabuuang 276,094 na ang mga gumaling.
Nakapagtala rin ang DOH ng 87 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,238 na ang kabuuan.
May 89 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 17 dito ay recovered cases at isang namatay na tinanggal na rin.
Samantala may 34 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)