Advertisers

Advertisers

Hallypop maraming sorpresa para sa Pinoy viewers

0 292

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

RAMDAM  na  ang Hallypop wave dito sa Pilipinas! Inabangan ang pagdating ng pinakaunang Asian pop culture digital channel sa bansa noong September 20 kaya naman hindi nakapagtatakang nag-trending sa top spot ng Twitter Philippines ang hashtag na #GMAHallypopPremiere.

Bukod dito, mayroon nang mahigit 131,000 likes ang official Facebook page ng GMA Hallypop.



Balita nga namin marami pang sorpresa at exciting shows ang darating sa Hallypop sa mga susunod na linggo, kabilang ang K-pop, Asian music, at pop culture programs mula sa South Korea, China, at Southeast Asia na maaaring panoorin 24/7.

Para makakuha ng exclusive at fresh content tungkol sa paboritong Asian shows at idols, bisitahin lang ang official Facebook, Twitter, at Instagram page ng digital channel o kaya’y pumunta sa GMANetwork.com/GMAHallypop para sa latest updates.



***

Fans nina Mikee at Kelvin, excited sa bagong tandem



Marami na ang nakaabang sa tambalang Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa upcoming fantasy-romance series ng GMA News TV na ‘The Lost Recipe.’

First time na magkakatrabaho ang dalawa at looking forward na ang fans na mapanood sila on screen.

Teaser post pa lang ay umaapaw na ang suporta para kina Mikee at Kelvin at inulan ito ng congratulatory messages. Sey pa ng isang fan na si Glorietta Gerio sa comments section sa Facebook, “Super bagay at least may bago tayong aabangan.”

***

Aiko Melendez at Wendell Ramos, kumusta ang lock-in taping para sa ‘Prima Donnas’?

Kasalukuyan pa ring naka-lock in taping ang cast ng GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’.

Sa interview ng 24 Oras kina Aiko Melendez at Wendell Ramos, ibinahagi nila na ginawa nilang bahay ang kanila-kanilang kwarto.

Kuwento ni Aiko, “What I did to my room, trinansform ko siya into my second home. Dinala ko lahat nung mga beddings na usually ginagamit ko sa bahay para ‘yung mga amoy nung anak ko nandoon pa rin. Nagdala ako ng lutuan ko, lahat talaga.”

Tulad ni Aiko, nagdala rin ng bed sheet at mga unan si Wendell, “May dala akong stuff na kamukha ng misis ko. Then ‘yung mga bedsheet, ‘yung mga pillow ko. May dala rin akong rice cooker at bigas.”

Dagdag na kuwento ni Aiko, kapana-panabik ang mga susunod na eksena sa ‘Prima Donnas,’ “Kailangan nilang abangan, matutuloy bang maikasal si Jaime kay Kendra? Ano bang mangyayari sa journey nina Kendra, Jaime, at Lilian? There’s so much na mangyayari talaga with the show. These six months na wala kami sa ere, we’re coming up with a big bang.”

Samantala, napapanood pa rin ang catch-up episodes ng ‘Prima Donnas,’ Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime.

***

Shaira Diaz leading lady ni Ruru Madrid sa Lolong

Hindi napigilang maluha ni Shaira Diaz nang ipaalam sa kanya na siya ang napiling leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming action-adventure series ng GMA Public Affairs na “Lolong”.

Sa report ng 24 Oras nitong Miyerkules, napanuod si Shaira na talagang nagulat at napaiyak pa nang sabihin sa kanya na siya ang magiging kapareha ni Ruru. Noong una raw, akala ni Shaira ay nasa online screen test siya para sa nasabing role. “Nahirapan ako via Zoom na umarte pero sobrang nagpapasalamat ako sa prod, sa Public Affairs for choosing me,” pagbabahagi ng Kapuso star.

Nagpost din si Shaira sa kanyang social media account na inamin niyang dream role niya ang makasama sa isang action-adventure series.

Malaki rin ang pasasalamat niya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network.

“Matagal ko nang pangarap ang action, simula palang nung nag-start ako sa industriyang ito. Kaya sobra nalang ang pagiyak ko nung sinabi nila na ako ang napili para gumanap sa role na yun.”

“Gustong kong magpasalamat sa aking home network ang GMA, GMA News & Public Affairs, GMA Artist Center, my manager Sir Arnold Vegafria & ALV Talent Circuit Inc. sa napakalaking tiwala na binigay ninyo sa akin, salamat sa paniniwala!! Hindi ko po kayo bibiguin. Ibibigay ko talaga ang 1000% ko!! At higit sa lahat, maraming salamat sa Panginoon!!!! #ToGobetheglory #LOLONG” (Showbizteam)