Advertisers

Advertisers

Kathryn at Dennis nag-viral ang piktyur bilang mag-ama sa digital series

0 341

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA panahon nga ng pandemya ay hindi na  raw kailangang maging choosy or mag-inarte pa.

Marami na nga raw hirap sa buhay ngayon  at isama na si Angelica Panganiban na host ng digital show na Ask Angelica.



Tema ng kanyang talkshow ay pantasya  at dagdag pag-amin pa ng aktres na pantasya niyang makabiyahe.

Pero sa ganitong sitwasyon at pagkakataon dahil sa Covid 19, tila ang pantasya nitong makabiyahe ay malabo pa.



Kaya naman tumutok ito sa work at kahit pandemic ay binuwenas naman si Angelica  sa kanyang trabaho.

Hindi na nga raw ito nag-inarte at never na nag choosy dahil sa hirap ng buhay.



Kahit nga pagba-vlog at ultimo ang digital show ay umentra pa rin si Angelica.

Dagdag pa ang pagkakaroon nito ng serye na Walang Hanggang Paalam online ay may palabas din ito sa Netflix.

At kahit ano na nga lang daw ay pinasukan ni Angelica para lang magtuluy-tuloy ang kanyang buhay sa new normal.

Nakapaninibago kay Angelica sa lahat ng tao sa mundo pero ito na raw ang sitwasyon na dapat gawin at sundin.

Sa kabila na nagsalita na ito na huling serye na niya ang WHP ay hindi naman ito nagtapos at tinuldakan na ayaw na nito gumawa ng serye.

***

NAGMUKHA raw mag-ama ang larawan nina Dennis Padilla at Kathryn Bernardo na nag-viral sa socmed na kuha sa digital series na The House Arrest Of Us kasama si Daniel Padilla.

Kahit sa serye ay mag-ama ang role nina Dennis at Kathryn.

Ayon sa netizens, kung si Julia Barretto raw sana  ang nasa larawan ay mas magandang tingnan dahil tunay silang mag-ama.

Samantala marami naman magagandang komento at reaksyon ang netizen sa larawan na nag-viral nina Dennis at Kathryn at sana nga raw ay sila na lang ang naging mag-ama.

Kita naman kay Dennis na  nami-miss nito ang paglalambing ng anak na si Julia.

Well, well, well… ‘Yun na!