Advertisers

Advertisers

CHINA: NAKAHANAP NG KATAPAT, GIYERA NA BA?

0 519

Advertisers

12 CHINESE fishing boats, pinalubog malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) o South China Sea!

Tama ang nabasa nyo, 12 bangka – na kabilang sa mahigit na 200 bangkang pangisda ng China ang pinasabog ng magkatropang patrol ng US Coast Guard (USCG) at Philippine Coast Guard (PCG) na nagmatigas at ayaw umalis sa Ayungin Shoal na sakop ng ating teritoryo sa karagatan ng WPS.

Winarningan na, e ayaw umalis at sabi ng crew ng Chinese vessel, kanila raw ang Ayungin Shoal at tayo ang dapat umalis, ganun?



Itong Ayungin Shoal ay malapit lang – about 100 nautical miles – mula sa Palawan, at walang duda, atin ito at walang karapatan ang China na pasukin ang ating teritoryo.

E, ayun nga ang nangyari, isang maliwanag na act of aggression o sa simpleng salita trespassing o bawal na pagpasok sa ating bakuran ang ginawa ng 12 fishing boat na madalas inuubos ang mayamang isda sa katubigan natin.



Kungdi ito isang uri ng pagnanakaw, wala akong maisip na ibang salita, baka ang mga masugid nating tagsubaybay, ay may alam na angkop na salitang dapat itawag dito.

Ang ginawa ng PCG at USCG ay bahagi ng Balikatan exercises sa pagpapalakas ng ating depensa sa labas ng bansa, e ang akala ng Chinese vessel, nagbibiro ang warning na papuputukan sila, hayun, na-shock nang husto ang China.



May natatakot, maging mitsa na ba ito ng giyera?

Duda ako, kasi maraming insidente na pinasabog ang mga pasaway na Chinese fishermen na pasukin ang teritoryo sa dagat ng ibang bansa.

Noong Marso 2015, pinasabog ng Argentine Coast Guard ang mangingisda na ilegal na pinasok ang katubigan ng Argentina.

May ganito ring pangyayari sa Argentina noong 2014, pero putak at protesta lang ang nagawa ng China.

Dalawang buwan, nakalilipas, inakyat ng US at Canadian Coast guard ang ilang Chinese vessel na pumasok sa Gabones sa Canada.

Ilang ulit nagkatensiyon ang Indonesia at China kasi talagang itinataboy ng Indonesian Coast Guard ang mga fishing vessel at patrol boat ng China na umalagwa sa karagatan nila.

Hindi sila umubra kay Indonesian President Joko Widodo, talagang hinahabol at pinasasabog sila.

Noong 2019, pumasok sa Yellow Sea ng South Korea ang 12 Chinese fishing boat, itinaboy sila at pinasabog sa dagat.

Marami pang ganyang insidente sa Recto Bank sa mga Isla ng Spratly ang nangyari sa pagitan ng Vietnam at China: minsan nga, sinadyang banggain ng barko ng Vietnam ang pangisdang bangka ng China, pero hindi nauwi sa giyera.
***
Saka, bago nangyari ang pagpapasabog sa 12 fishing vessel, nagwarning na ang USCG at PCG na ang sinomang papasok sa ating teritoryo, itataboy at kung hindi aalis, pasasabugin – na nangyari nga nitong Miyerkoles, Marso 22.

Ang reaksiyon lang ng Beijing ay ang magreklamo, kumuda at sabihing ‘agression’ daw ang pangyayari, at ang US, kasama ang Japan, Australia at iba pang bansa, ay nag-uudyok ng gulo at giyera sa WPS.

E, dapat daw, ayusin ang agawan sa WPS sa maayos na usapan, e hindi ba ito ang ginusto noon ni dating Presidente Rodrigo Duterte at siya ring nais ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Nangako pa nga si Chinese President Xi Jingping na hindi gigipitin, tatakutin at gagambalain ang mga mangingisda natin sa WPS, pero ano ang ginawa at patuloy na ginagawa ng Chinese Coast Guard (CCG) sa ating mga mangingisda?

Matapos itaboy o pasabugan ng bombang tubig, kinukuha pa ang huling isda at pinaka-latest nga, yung pagtutok ng nakabubulag na military grade laser light sa mga barko at mangingisda natin.

Dagdag dito, ang panghaharang ng CCG sa suplay ng mga sundalo natin sa bahura na naroon ang BRP Sierra Madre na nasa tubig ng Palawan.

Madalas na ginagawa yan ng China kasi gusto niya na iwanan ang bahura at wag nang lagyan ng bantay ang BRP Sierra Madre – na sa totoo lang, kinakalawang na at pinakakapitan na lang ng talaba, tulyapis at kung ano-anong lumot-dagat.
***
Bakit nga ba ayaw nating iwanan barkong BRP Sierra Madre?

Kasi ang barko, hanggang ngayon ay commission warship, ibig sabihin, bantay ito sa ating teritoryo at ayon sa international law, hindi pwedeng galawin ito ng ibang bansa maliban sa Pilipinas.

Pag pinakialaman ito, halimbawa ay inalis, pinalubog o kinalas-kalas, ito ay act of war, at sapat nang dahilan para hingiin ng Pilipinas sa US na ipatupad ang Mutual Defense Treaty.

Para sa akin, magandang pangyayari ito na patunay na handa tayo na idepensa ang ating bansa, at totoo, hindi lang laway ang usapin ng MDT natin sa US.

Giyera na ba, hehehe, malabong mangyari, kasi alam ng China, hindi ang Pilipinas ang kaaway niya.

Buong mundo na naniniwala sa pagrespeto sa soberenya natin ang ating kakampi, at hindi gugustuhin ng China na siya ay maging kasuklam-suklam sa mata natin, at ng ibang bansa.

Magiging aral na ito sa China, hahaha, nakahanap din siya ng katapat.

At base sa reaksyon ng ating kababayan sa pangyayari, maliwanag ang malaking tuwa at suporta nila sa Balikatan at sa EDCA program ni PBBM.

Tama si Prof. Jay Batongbacal: ang takot ay nasa isip lamang.

Kundi kikilos, kailan pa at ngayon ang pagkilos laban sa agresibong pananakop ng China.

Cooperative defense pact ang tamang gawin ngayon ng Pilipinas sa Malaysia, Indonesia, Brunei at iba pang bansa upang masawata ang aggression ng China.

At magpatupad na nang maayos na conduct of the sea sa WPS.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.