Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HINDI napigilang umalma ang actor-director na si Eric Quizon kaugnay ng pagsalaula ng isang brand ng alak sa alaala ng kanyang namayapang ama na si Dolphy.
Sa kanyang Instagram post, nilinaw din niya na ang nasabing whisky manufacturer ay walang karapatang gamitin ang imahe ng King of Comedy para lamang maibenta ang kanilang produkto.
Nagbabala pa siya sa publiko na mag-ingat para hindi mabiktima ng nabanggit na kumpanya.
Hirit pa niya, dati na raw kinontak sila ng naturang wine manufacturer pero pagkatapos noon ay wala na silang narinig sa usapin ng patent at copyright.
May mga nag-engganyo naman sa actor na kasuhan ang kumpanya na gumagamit sa pangalan at imahe ng namayapang komedyante.
Ito ang teksto ng mensahe ni Eric sa kanyang IG.
“This serves as a warning to all. This bootleg seller is using my dad’s image and banayad whisky, which are patented and with copyrights. At first they cooperated with us but stop communicating when the Quizons demanded them to stop selling. We have filed a case against. Please BEWARE! #banayadwhiskey”
Ito naman ang reaksyon ng ilang netizens.
“This brand is clearly guilty for Intellectual Property Violation.”
“You should send a cease and desist letter.”
“nkka miss yung Antiques comedy ni Idol Dolphy, actually I watch it again in youtube at to the Roofdeck tlga tawa ko.= we love Dolphy po! I hope that Disrespecting Wine company gets fined by that and re Label the name at may face pa tlga ni Sir Dolphy hindi na nahiya sa familya Quizon.”
“I support you kuya.. Sige lang labanan ninyo in legal way.”
“ok sana ung pangalan na lang. pero obvious naman ung mukha ni dolphy. mejo di nag iisip maker nyan”
“Kasuhan nyo hanggang maubos kinita at kulong = deserve yan ng lahat ng mandarambong”
Si Eric ay director ng gag show na “Quizon CT” sa Net-25.