Advertisers

Advertisers

Mariel takot sa karma

0 3

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nagsalita na si Mariel Padilla tungkol sa kanyang mga panghihinayang at takot sa “karma” dahil sa relasyon nila ng yumaong ina.

Sa panayam ni Julius Babao, kamakailan, ibinahagi ng misis ni Senator Robin Padilla na ang pinakamalaking pagsubok sa buhay niya ay ang mahirap na relasyon sa inang pumanaw na noong 2023. Inamin ng celebrity mom na hindi sila nag-usap nang mamatay ang kanyang ina at labis siyang nanghinayang na hindi niya naayos ang mga bagay-bagay sa tamang oras.

Ibinahagi ni Mariel na lumaki siya kasama ang kanyang mga lolo’t lola sa ina at nahirapan siyang harapin ang “pana-panahong” galit na iniulat na mayroon ang kanyang ina laban sa kanya.

Alam sa mundo ng showbiz showbiz na umaki si Mariel sa pangangalaga ng kanyang mga lolo’t lola sa panig ng kanyang ina, sa halip na sa kanyang ina.

Ikinuwento niya na nahirapan siyang unawain at harapin ang pana-panahong galit ng kanyang ina sa kanya.

Ang pahayag na ito ay nangangahulugang natatakot si Mariel na baka balang araw ay maranasan din niya ang parehong sitwasyon na naranasan niya sa kanyang ina.

Natatakot siya sa “karma,” at umaasa siyang hindi mauulit sa relasyon nila ng kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriella ang hirap at sakit na naranasan niya sa sariling ina.

Hangad niya na magkaroon sila ng mas maayos, mas malapit, at mas mapagmahal na samahan bilang mag-ina.

Sa madamdaming pag-uusap, inilarawan ni Mariel ang kanyang nararamdaman bilang isang mabigat na pasanin. “ Kapag naiisip ko ang aking Nanay … ‘ Yun talaga Julius , ‘ iyon ang krus na aking papasanin habang buhay , ” pagbabahagi ni Mariel .

“No, hindi. In fact ‘yung time na (hindi sila okay), seasonal ang galit ng mom ko. Nu’ng time na namatay siya, ako ‘yung…it was my season like my pictures were down in her house. She took my pictures down yeah ‘yung ganu’n, season ko,” wika niya.

“I hope that she forgives me and ‘yun ‘yung dasal ko and then kinakatakukan ko na kasi naniniwala ako sa karma eh. Hindi sana ako karmahin one day, ‘yung mga kids ko sana hindi kami magkaroon ng ganu’n relationship kasi hindi kami ganu’n always (magkasundo) ng mom ko,” esplika niya.

Nagbigay din ng advice si Mariel sa kanyang followers.

” if you have a chance to reconcile with your parents, take it.”

Naniniwala siyang pansamantala lamang ang mga alitan, ngunit ang pagmamahalan at samahan sa pamilya ang mas dapat pahalagahan at pangalagaan.