Advertisers

Advertisers

Dyowa ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou, nakipaglaban sa cancer

0 2

Advertisers

By Anne Venancio

Ibinahagi ng Filipino-French businessman na si Christophe Bariou, partner ng aktres na si Nadine Lustre, ang kanyang naging pakikipaglaban sa cancer na halos kumitil sa kanyang buhay tatlong taon na ang nakalipas.

Sa isang TikTok post, nagbahagi si Christophe ng mga larawan mula sa kanyang gamutan at isinalaysay ang kanyang naging karanasan.

Ngayon lamang niya napiling ikuwento ang kanyang pinagdaanan dahil ayaw niyang makita bilang biktima o kaawaan ng publiko.

Ayon kay Christophe, una siyang sinabihan ng mga doktor na ilang linggo na lamang ang kanyang nalalabing buhay. Aniya, nakaranas siya ng matinding takot at panghihinayang dahil inakala niyang hindi na niya matutupad ang kanyang mga pangarap na magkaroon ng sariling pamilya at maipagpatuloy ang kanyang mga proyekto sa Siargao.

Kalaunan, nagtungo siya sa France upang magpagamot sa isang specialized hospital, kung saan natuklasang mayroon siyang bihirang uri ng lymphoma. Sumailalim siya sa chemotherapy at immunotherapy, at makalipas ang dalawang buwan ay idineklarang nasa full remission.

Nagpasalamat si Christophe sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at lahat ng sumuporta sa kanya sa panahon ng kanyang gamutan at paggaling.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinikayat niya ang publiko na pahalagahan ang buhay, mamuhay nang may layunin, at huwag hintaying dumating ang matinding pagsubok bago matutong pahalagahan ang bawat sandali.