Advertisers

Advertisers

SUZETTE RANILLO NAIS MAGBAHAGI NG ACTING TECHNIQUE SA MGA KABATAANG ARTISTANG KASAMA SA “ROSARIO”

0 3

Advertisers

By Rommel Gonzales

Tinanong namin ang mahusay na aktres na si Suzette Ranillo kung ano ang role niya sa Viva Films horror film na *Rosario*.

“Ako ang tiyahin na nag-utos na putulin ang rosaryong hawak ng nakaburol na kamag-anak bago ito ilibing, dahil sa paniniwalang makatutulong itong maiwasan ang sunod-sunod na kamalasan,” ang umpisang pagbabahagi ni Suzette na gumaganap sa pelikula bilang si Anne.

May isang eksena sa pelikula ang hindi makakalimutan ni Suzette.

“May isang kakaibang pangyayari sa eksena ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan,” pahayag ni Suzette pero hindi niya ito ni-reveal para walang spoiler sa kanilang pelikula na ipapalabas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, Agosto 5.

Kasama ni Suzette sa “Rosario” ang ilang kabataang artista; kumusta working with the new generation of stars like sina Aubrey Caraan and Lance Carr?

“They’re a group of respectful, level-headed, and promising young actors.

“If given the opportunity, I’d love to share some of the acting techniques that helped me when I was just starting in the business, in the hope that they can become even more effective actors.”

Sa direksyon ni Roni S. Benaid, gaganap sa “Rosario” si Aubrey bilang si Beth; Yumi Garcia bilang Ave; si Lance bilang Caleb; Meg Imperial bilang Magda; Jairus Aquino bilang James, at sina Bernadette Allyson at Rose Van Ginkel na mayroong mahahalagang papel sa buhay ng pamilya.