Advertisers

Advertisers

Bong Go sa youth leaders: Maging ehemplo para sa Pilipino

0 213

Advertisers

Sa hangaring suportahan ang mga batang lider ng bansa, personal na dumalo si Senator Christopher “Bong” Go sa 2023 Sangguniang Kabataan (SK) Congress – Davao Occidental Chapter sa Ritz Hotel sa Davao City.

Sa kanyang talumpati, sinamantala ng senador ang pagkakataon na bigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay kapangyarihan sa kabataan sa paghubog ng kinabuasan ng bansa. Binigyang-diin din niya ang kritikal na papel ng SK sa pagtulay sa pagitan ng gobyerno at kabataan.

“Malay ninyo pagdating ng panahon, kayo ang magiging congressman, senador nitong ating bansa. Ito ang sikreto diyan na aking isi-share sa inyo — gawin ninyo kung ano ang tama, mahalin ninyo ang kapwa n’yo, at unahin ninyo ang interes ng kapwa Pilipino — hinding-hindi talaga kayo magkakamali niyan,” ang payo ni Go.



“Yung pagmamalasakit n’yo sa kapwa, dito talaga manggagaling ‘yan sa inyong puso. Mahalin n’yo talaga ang inyong trabaho at ang pagseserbisyo,” patuloy niya.

Kinilala ni Go ang lahat ng SK leaders sa kanilang dedikasyon sa serbisyo at hinikayat silang magpatuloy sa aktibong papel sa pagbuo ng bansa.



Binigyang-diin niya na ang kabataan ay hindi lamang ang kinabukasan kundi maging ang kasalukuyan, at hinimok silang gamitin ang kanilang boses at pamumuno para magkaroon ng makabuluhang kontribusyon sa lipunan.

Upang isulong ang kapakanan ng mga lider ng kabataan, ang senador ay kasamang gumawa ng Republic Act No. 11768, na nagreporma sa Sangguniang Kabataan.



Sa ilalim ng batas, lahat ng miyembro ng SK ay babayaran ng honorarium bawat buwan na ibabawas sa pondo ng SK. Ito ay karagdagan sa anumang iba pang kabayarang itinatadhana ng batas. Ang honorarium ay dapat ibigay sa pagtatapos ng bawat pagpupulong ng SK bawat buwan.

Samantala, 10% ng pangkalahatang pondo ng barangay ay dapat ilaan para sa kanilang SK. Ang pondo, na gagamitin para sa youth development and empowerment programs, ay dapat bayaran ng lump-sum ng Sangguniang Barangay.
“Mga kabataan, kayo ang kinabukasan ng ating bayan. Magtulungan lang tayo. Pumasok kayo (bilang) SK (kaya) unahin n’yo talaga ang pagseserbisyo sa ating mga kababayan lalo na ‘yung mga mahihirap. Kayo ang example sa youth, kayo talaga ang tinitingala sa inyong barangay,” ani Go.