Advertisers
SISIKAPIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paggamit ng nuclear energy bilang isa sa pagkukuhanan ng suplay ng kuryente.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ito ay solusyon sa lumalaking pangangailangan ng bansa sa suplay ng enerhiya.
Kapag hindi kasi aniya natugunan ang pangangailangan ng suplay ng enerhiya, posibleng mauwi ito sa power crisis.
Pagbibigay diin ng pangulo, dapat apurahin ang pagdaragdag ng energy supply para maiwasan ang mga brownout.
Ayon pa sa Pangulo na bago pa man siya nanalo sa pagkapresidente, tinitingnan na nila ang posibilidad na gumamit ng nuclear energy.
Marami naman aniyang nuclear technologies na available ngayon na pwedeng i-adapt ng gobyerno.
Pahayag pa ng Pangulo, kahit anong pamamaraan aniya na pwede ay welcome sa kaniya para lamang makakuha ng dagdag na power suplay na kailangan ng bansa. (Vanz Fernandez)