Advertisers
PINAGBABARIL ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay ng mga hindi pa kilalang salarin sa Agusan del Sur.
Kinilala ang mag-asawang namatay na sina Exequil Naldoza, 65; at misis nitong si Feliciana, 62, ng Purok 1, Brgy. Bayugan 2, San Francisco, Agusan del Sur.
Sa ulat, 6:00 ng gabi nitong Sabado nang maganap ang krimen.
Ayon sa report, dumating ang mga armadong lalaki sa bahay ng mag-asawa at walang habas na pinagbabaril ang mga ito ng cal. 45 pistol.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa mag-asawa maging ang pagkakakilanlan ng mga salarin.(PFT team)