Advertisers
HEHEHE, iba talaga si Congressman Erwin ‘Winong’ Tulfo laging may kakabit na kontrobersiya bawat kilos at pagsasalita niya.
Sa mga di-nakakaalam, bago naging Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary si Erwin (iyon daw ang tawag na mas komportable na itawag sa kanya), 4th nominee na siya ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) partylist noong 2022 elections – na tinanggap ng Commission on Elections (COMELEC), kaya kayong kiyaw-kiyaw at angas nang angas, magsitigil kayo: legal na nominee si Erwin.
Teka, e sino ba itong makisig na new ACT-CIS partylist Representative na binato agad ng batikos kasi, ang mga Tulfo raw ay isang malakas na emerging political dynasty clan.
Kung ibinoto ng taumbayan na senador ang big brother niyang si Raffy Tulfo, at nang ibotong kongresista ng 2nd Quexon City (QC) dsitrict ang pamangking si Ralph Tulfo at ACT-CIS partylist Rep. ang hipag niyang si Jocelyn Tulfo, kasalanan ba kung mas may tiwala ang mga botante sa kanila?
Vox populi, vox dei!
Sabi ni ka-media Cong. Erwin, kung nagtatrabaho ka naman nang husto at ibinoboto lagi ang mga kapamilya ng isang politiko, taumbayan ang nagpapasiya.
“We’ll show them kung paano kami mag-perform, ibahin nila kami sa iba,” sabi niya.
***
Pang-9 si Erwin sa magkakapatid na Tulfo ng mga magulang niyang sina Caridad Teshiba at retired Philippine Constabulary Col. Ramon Tulfo.; utol niya si Kuya Ramon Tulfo Jr.; dating Tourism Sec. Wanda T. Teo; brodkaster, newspaper editor Ben Tulfo, at umalis siya sa DSWD noong Disyembre27, 2022matapos na ma-bypassed ang appointment niya .
Marami ang nanghinayang sa pagtanggi ng Commission on Appointments (CA) kay Sec. Erwin, na sabi nga ni Presisente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., mahusay na nagampanan ang kanyang trabaho.
Sa isang interview, eto ang sabi ni PBBM: ” xxx at the time he was running the DSWD, he did a very good job. So, we can’t lose that kind of asset.”
Opo, magiging malaking asset, mapakikinabangan ng bansa si Cong. Erwin sa oras na pormal na siyang maupo sa Kamara.
Unang nakilala siya na host ng public service brand Mission X – kalaunan ay naging Erwin Tulfo Action Center; naging host din siya TV’s flagship primetime news program Ulat Bayan; host ng Tutok Tulfo, co-host of T3: Kapatid Sagot Kita!, kasama sina Raffy at Ben; at naging host din siya ng Aksyon on TV5.
Nagtrabaho rin si Cong. Erwin noon sa ABS-CBN, Radio Philippines Network (RPN), and Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC), at naging kolumnista ng maraming pahayagan, sa Abante, Manila Standard at iba pa.
Nagtapos siya ng bachelor of science in Business Administration sa University of the East (2005).
***
Nakapanumpa na si Cong. Erwin sa Kamara na noong una, sinabi ng Comelec na wala nang problema pero may isang abogado na nag-file ng DQ sa kanyang pag-upo.
Latest news, nitong May 25, ibinasura ng Comelec ang DQ petition laban kay Rep. Tulfo sa katwirang nasa kamay na ng liderato ng Kamara ang desisyon – na maliwanag na kasapi na siya ng Kongreso dahil nanumpa na siya at tinanggap na ni Speaker Martin Romualdez.
Kaya wala na tayong nakikitang hadlang sa totoong pag-upo ni Cong. Erwin na sabi nga ni PBBM, isang malaking asset o taong may malaking magagawa na kabutihan at makapagbibigay ng malaking pakinabang sa sambayanang Pilipino.
Bilang kapatid sa media at classmate, marami nang napatunayang mabubuting nagawa para sa kapakanan ng maraming pamilyang Pilipino si Cong. Erwin at hindi ko na isa-isahin pa ang marami na niyang nagawa kasi mas gusto niya ang tumahimik na lang kaysa ipagsigawan o ipagmalaki ang kanyang mga nagawa.
Hindi na matatawaran ang kakayahan niya, kaya nga, pinagkatiwalaan siya ni PBBM na hawakan ang DSWD na sayang nga, at ito mismo ang naramdaman ng maraming kababayan, lalo na ang ating pangulo sa pagkawala niya sa departamento.
Tatak serbisyong totoo ng magkakapatid na Tulfo ang makikita natin pag nagtrabaho na sa Kongreso ang ating kapatid sa media, si Cong. Erwin.
Kami sa pahayagang ito, ay todo-suporta sa pag-upo niya bilang ACT-CIS partylist 3rd representative na alam nyo ba na super taas ang tiwala ng taumbayan na nitong nakaraang eleksiyon 2022, kumabig ng mahigit na 2 milyong boto!
Kaya yung mga kumokontra kay Partner/Brod Erwin, isarado na nyo ang bibig nyo, dahil paano nyo babalewalain ang pananampalataya ng mahigit sa 2 milyong botante na nagsabing karapatdapat ang ACT-CIS partylist na katawanin sila sa Kamara.
Walang duda, kumpara naman sa ibang partylist dyan, ipinangako ni Cong. Erwin na ipakikita niya ang malaking magagawa nila sa paggawa ng mga batas na magbibigay ng ginhawa sa mas malawak na underprivilege, marginalized sector ng ating bansa.
Abangan ang kasunod pa nating paksa sa ating bagong “asset” sa Kamara, si Honorable Erwin ‘Winong’ Tulfo!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.