Advertisers

Advertisers

‘MATALIK NA KAIBIGAN, MALUPIT NA KAAWAY’: Bespren pinugutan sa gitna ng inuman

0 335

Advertisers

SABI: Ang matalik na kaibigan ay malupit na kaaway.
Ito ang nangyari sa magkaibigan nang putulan ng ulo ang kanyang matalik na barkada sa isang inuman sa Tayug, Pangasinan.
Kinilala ang salarin na si Joel dela Cruz, tubong-Nueva Ecija. Hindi pa pinangalan ang biktima.
Sa ulat, nangyari ang krimen sa isang boarding house sa Barangay Trenchera, Tayug kungsaan parehong nakatira ang salarin at ang biktima na matalik na magkaibigan.
Base sa pahayag ni Police Maj. Arnold Soriano, hepe ng Tayug Municipal Police Station, nangyari ang insidente habang nagseselebra ng kanyang kaarawan ang salarin sa kanilang boarding house.
Nabatid na habang nasa gitna ng masaya nilang inuman, biglang nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng isa sa mga panauhin. Ikinagalit ito ni Dela Cruz na agad kumuha ng itak at pinagtataga sa leeg ang kaibigan hanggang sa humiwalay ang ulo nito sa katawan.
Matapos ang insidente, agad tumakas si Dela Cruz dala ang itak na ginamit sa pagpatay sa matalik na kaibigan.(PFT team)