Advertisers

Advertisers

Hipag, ni-rape ng bayaw na estudyante

0 301

Advertisers

KULONG ang isang estudyante nang gahasahin ang hipag sa Barangay Wangal, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sinilbihan ng warrat of arrest si Cris, ‘di tunay na pangalan, 18 anyos, residente sa nasabing bayan.

Ayon kay Major Ernie Cruz, hepe ng Kasibu Police Station, inaresto ang estudyante habang nasa paaralan.



Ang akusado ang itinuturong gumahasa sa asawa ng kanyang kapatid noong Oktubre 2022.

Sinamantala umano nito ang kalasingan ng kanyang hipag at pinasok niya ito sa kanyang kuwarto at isinagawa ang panghahalay.



Agad namang nakapagsumbong sa pulisya ang biktima.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.(Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">