Advertisers

Advertisers

Turnout ng health workers na nag-avail ng bivalent vaccine, mababa

0 160

Advertisers

SINABI ni Manila Mayor Honey Lacuna na mababa ang turnout ng health workers na nag-avail ng bivalent vaccines.

Sinabi ni Lacuna sa monthly forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), na tinawag na “MACHRA’S Balitaan” na ginanap sa Harbour View Restaurant, na ang allocation na 32,000 doses ng bivalent vaccine sa national government ay napakaliit, gayunman kakaunti pa rin ang nagpaturok ng kanilang bivalent vaccine.

Matatandaan na kamakailan ay pinangunahan ni Lacuna ang rollout ng bivalent vaccines sa Sta. Ana Hospital kung saan siya mismo ang nagbakuna kay hospital director Dr. Grace Padilla, at iba pa.



Lumilitaw ayon kay Lacuna, na isa ring doktor, na marami sa medical health workers ay wala pang 2nd booster na siyang requisite para maturukan ng bivalent vaccine.

Ipinaliwanag ng alkalde na ang bivalent ay tinuturing bilang third booster at dahil dito kailangan na magkaroon muna ng first at second booster shots bago maturukan ng third booster.



Ayon pa sa lady mayor, siya at ang mga health cluster ng lungsod ay nag-uusap na magbibigay sila ng palugit na isang linggo at pagkatapos ay ibibigay na nila ito sa senior citizens na kabilang din sa priority groups.

Ang pagluwag ng restriksyon sa health protocols ang dahilan itinuturo ng alkalde sa kawalan ng interes na magpaturok ng bivalent shots. Isa pa dito ay tuluyang pag-alis ng public health emergency status ng World Health Organization.



Sinabi pa ni Lacuna na nananatili ang ‘open policy’ ng city government ng Manila para sa mga gustong magpaturok ng bivalent vaccine na hindi taga-Maynila basta sila ay kabilang sa approved qualified groups.

Samantala, umaapela ang lady mayor sa lahat ng health frontliners na mag-avail na ng gaya niya, dahil extra protection ang kaloob nito sa kanang pamilya at kanilang pasyente. (ANDI GARCIA)