Advertisers

Advertisers

PNP Region 3 Director, B/Gen. Jose Hidalgo Jr.

0 350

Advertisers

Hindi pa natin personal na nakakadaupang- palad ang mabunying regional director ng PNP Region 3 sa Central Luzon na si Police B/Gen. Jose Hidalgo Jr. na miyembro ng pamosong PNPA Tagapagkalinga Class of 1991.

Pero sa dami ng naririnig nating papuri sa mamang heneral,we can’t help but to do a well meaning research about the fellow na isa ring certified “KUYA” ng The Fraternal Order of Eagles of the Philippines.

Isa si General Hidalgo sa masasabing nirerespetong opisyal ngayon ng PNP.



Dedicated, masipag at masinop na police officer na may hindi matatawarang malasakit at pagmamahal sa institusyon ng pagpupulis.

Pebrero ng taong ito nang italaga ang mamang heneral bilang regional director ng PNP PRO3 makaraang magretiro si Gen.Cesar Pasiwen na dating RD ng nasabing police command.



Prior to his new assignment,Gen.Hidalgo was the deputy director for administration ng NCRPO.

Dahil malawak ang nasasakupan ng PNP-PRO3, batid ng mamang heneral na kailangang maging masipag at agresibo ang kanyang police command sa paghahatid ng serbisyo sa mahigit 12.6 milyong mamamayan ng buong Central Luzon.



Nakatuon sa anti- criminality at anti- illegal drugs campaign ang liderato ni General Hidalgo na may layong mapagkalooban ng mapayapa at orderly environment ang kanyang buong AOR.

Naniniwala si Hidalgo na ang isang maayos at mapayapang pamayanan ay magbibigay ng ibayong sigla sa kalakalan at ekonomiya ng isang lugar.

At dahil aminado ang heneral na talagang kulang ang bilang ng kanyang kapulisan kumpara sa dami ng mga mamamayang kanilang pangangalagaan at paglilingkuran, ginamit ni Hidalgo ang regular na pakikipag- ugnayan sa mga lider ng LGUs sa Central Luzon.

Hiningi ng mamang heneral ang kooperasyon ng mga local leaders at ng buong sambayan na makipagtulungan sa PNP para sa iisang mithiin.

Ang mapanatili Ang law and order sa buong Central Luzon.

Lahat ng force multipliers ay inactivate ni Gen.Hidalgo in close coordination with all local chief executives including the office of the governor,the Honorable Dennis Delta Pineda.

Hanggang sa barangay level ay tinutukan ni Hidalgo upang makapa nito ang kasuluk- sulukang mga lugar ng kanyang hurisdikson.

Pinasigla at pinalawak rin ng heneral ang intellegence network ng PRO3 para masigurong on top of the situation ang buong kapulisan on a 24/7 basis.

Walang puwang kay Gen.Hidalgo ang lapses at errors dahil alam nyang puwedeng makaapekto ito sa lives and limbs ng mga mamamayang kanyang nasasakupan.

Prayoridad kasi ng heneral ang safety ng mga taga- Gitnang Luzon.

Sa kabila ng pagiging metikoloso ni Gen.Hidalgo sa pagtupad ng kanyang tungkulin, nananatiling low key at mapagkumbaba ang mamang heneral.

Magalang at marespeto sa kanyang mga kapwa opisyal at tauhan.

Walang yabang at hangin sa katawan despite all his accomplishments.

God- fearing and honest police officer si Hidalgo.

Parehas at magaling makisamang tao maging sa mga ordinaryong mamamayan.

Isang maayos at parehas na pamamalakad sa kanyang mga tauhan ang ipinakikita nito sa buong kapulisan ng PRO3 upang magsilbing ehemplo sa buong hanay ng PNP PRO3 police command.

Galit si Hidalgo sa mga abusado at scalawags na men in uniform.

Kung siya nga na RD ay di nang- aabuso sa kanyang tungkulin,he expects the same thing mula sa kanyang mga kapwa opisyal at tauhan.

Kung ganito ang pag- ugali ng isang opisyal ng PNP, di imposibleng mahawa sa kabutihang- asal na ipinakikita ni Gen.Hidalgo,ang majority sa mga miyembro ng kapulisan.

With Gen.Hidalgo in the helm of PNP- PRO3, nakakatiyak ang buong population ng Central Luzon na they are in safe and good hands.

Mabuhay ka Gen.Hidalgo sir!

May your tribe increased!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com