Advertisers

Advertisers

Sen. Go: Klima sa mundo, palala nang palala… ‘POINT OF NO RETURN’

0 128

Advertisers

MULING isinulong ni Senador Christopher “Bong” Go, miyembro ng Senate committee on the environment, ang pag-apruba sa kanyang panukalang Senate Bill No. 188 o ang Disaster Resilience bill.

Ginawa ni Go ang pahayag kasunod ng pagpupulong ng mga government climate representatives noong unang bahagi ng Hunyo sa Bonn, Germany kung saan iniulat ng isang thinktank na ang pagbabago ng klima sa mundo ay umabot na sa “puntong wala nang balikan” pagkatapos masira ang mga rekord ng temperatura sa lupa at dagat.

Naniniwala ang mga eksperto sa klima sa daigdig na ang 1.5 degrees Celsius (2.7 degrees Fahrenheit) na threshold ay hirap nang masustina.



Nagbubunga ito ng pangamba na ang mundo ay umabot na sa puntong mahirap nang ibalik dahil sa tumataas na pag-init ng ibabaw ng mundo at temperatura sa dagat.

Iniulat ng Copernicus Climate Change Service na pinondohan ng European Union, ang average na temperatura ng hangin sa ibabaw sa buong mundo ay lumampas sa 1.5C pre-industrial levels sa loob ng ilang araw na. Ang mga rekord para sa pandaigdigang temperatura ng dagat ay nabasag din noong Abril at Mayo ngayong taon.



“About time na magkaroon na tayo ng isang Department of Disaster Resilience, kung hindi man ma-improve ang current National Disaster Risk Reduction and Management Council. NDRRMC is a mere coordinating body. Iba talaga pag mayroong isang Cabinet secretary that has the command—from prepositioning to actual relief until rehabilitation,” ani Go.

Sinabi ni Go na dahil sa lumalalang climate change plus sa ating geographical location sa Pacific Ring of Fire, mas nagiging prone ang bansa sa mga kalamidad.



Kailangan aniya na i-scale up ang resiliency ng bansa dahil ang mga bagyo at iba pang kalamidad ay lumalakas, mas mapanira at mas madalas.

Nakabinbin ang kanyang panukalang batas para sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense.

“Kadalasan, pag may kalamidad, katulad ng bagyo, baha, lindol, buhawi, ang pinakaapektado ay ang mga mahihirap nating kababayan. Sila yung walang ibang malalapitan kundi ang gobyerno lang,” ayon kay Go.

Sinabi niya na bago pa dumating ang bagyo, mayroon nang makikipag-coordinate sa local government units, preposition of goods at ilikas ang mga kababayan natin sa ligtas na lugar. Sa pag-alis ng bagyo, restoration of normalcy kaagad, maibalik kaagad sa normal ang pamumuhay ng mga kababayan natin.

“‘Yan po ang layunin ng Department of Disaster Resilience. Minsan kasi, task force ang binubuo lang natin. Bagong administrasyon, bagong direksyon ng task force, kung andyan pa ang task force,” anang senador.

Kamakailan ay nagpahayag ang Office of Civil Defense ng suporta para sa pagtatatag ng DDR sa pagsasabing napakahalaga ng naturang institusyon sa pagpapabuti ng mga operasyon sa pamamahala at pagtugon sa mga hinaharap na krisis.