Advertisers

Advertisers

VP Sara dumulog sa SC para harangin ang kasong grave threats

0 4

Advertisers

NAGHAIN ng petisyon sa Supreme Court (SC) si Vice President Sara Duterte upang kontrahin ang tatlong bilang ng kasong grave threat na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa kanya.

Sa Petition for Certiorari and Prohibition na may kasamang aplikasyon para sa Temporary Restraining Order (TRO), hiniling ng ikalawang pangulo na maipawalang-bisa ang resolusyon ng DOJ na nagrekomendang sampahan siya ng mga naturang kaso.

Nais din ni Duterte na ipawala ang bisa ng resolusyon ng Quezon City Regional Trial Court na nagbasura sa kanyang motion to quash pati na rin ang inisyung warrant of arrest laban sa kanya.



Kasama rin sa kanyang idinulog sa Kataas-taasang Hukuman ang pagpapabasura at pagpapapigil sa prosekusyon at korte sa Quezon City sa paggawa ng anumang aksyon kaugnay ng kaso.

Inilalahad sa petisyon ang katanungan ukol sa limitasyon ng procedural immunity ng isang nakaupong impeachable officer upang mabigyang-linaw ng hukuman.



Agad ding sinundan ng kanyang kampo ang petisyon ng isang mosyon para sa mabilisang pagresolba sa TRO upang hindi ito maging moot and academic bago ang itinakdang arraignment at pre-trial ngayong Setyembre 11.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">