Advertisers
AABOT sa 25 testigo ang posibleng iharap ng House Prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng article II o alegasyon ng unexplained wealth.
Kabilang sa mga posibleng tumestigo si dating Senator Antonio Trillanes IV.
Kabilang din sa lineup ang Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla o kinatawan nito, gayundin ang mga opisyal o awtorisadong kinatawan ng Anti-Money Laundering Council o AMLC, Bureau of Internal Revenue o BIR, at Securities and Exchange Commission.
Posible namang mabawasan ang bilang ng mga testigo kung papayag ang defense sa mga hinihinging stipulation kaugnay ng bank records.
Ayon sa prosecution, nasa 15 bank officials ang posibleng kailangan nilang iharap kung hindi mapagkakasunduan ang mga dokumento.
Nakatakdang simulan ng prosecution ang presentasyon ng mahigit 1,800 financial documents at mga testigo para sa article II sa susunod na linggo.