Advertisers

Advertisers

Jessy aprub maging alalay ng idol na si Marian sa project; Rhian mahiyain noong bata pa kaya walang naging kaibigan

0 208

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA panayam kay Rhian Ramos sa YouTube Channel ng celebrity doctor na si Vicki Belo, inamin nito na noong bata pa siya ay alone na siya at walang kaibigan.
Bukod naman sa pagiging mahiyain noong bata pa ay suki ito ng bully.
Kaya kung saan saang school ito napapalipat kaya wala itong kaibigan.
Kumakain nga raw itong mag isa noon sa eskuwelahan at walang kausap.
Sa pagtatapat ni Rhian na hanggang mag showbiz ay nadala nito ang pagiging mahiyain.
Hanggang makilala at maging best friend niya ang kapwa Kapuso Artist na si Bianca King.
Pero nung mag-pandemic ay nawala rin ito at tinahak ang bagong journey sa buhay niya kaya alone ulit si Rhian, patotoo pa nito sa kanyang panayam.
Hanggang dumami na nga ang friends nito ngayon kasama na sina Max Colins at Michelle Dee.
At doon nito na-realize na napakahalaga talaga ng pagkakaroon ng isang kaibigan.
***
DAHIL usung-uso ang collaboration ng mga network.
Kaya naman naitanong kay Jessy Mendiola kung sino bang Kapuso stars ang gusto nitong makatrabaho.
Agaran nitong sinabi na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang gusto niyang makatrabaho.
Di naman naalis ang pagka-fan ni Jessy kay Marian nang sinabi na puwede silang maging mag-sisters sa project dahil pareho silang mestisa.
Sabay sabat ni Jessy na kahit dyulalay ay okey lang daw basta makasama niya sa project ang idol.
Bumilib din si Jessy sa pagiging hands on ni Marian sa kanyang mga anak na gusto nitong tularan.
Gustoni Jessy na bago pa man magbalik work ay tutukan pa si Peanut na panganay nila ni Luis Manzano.
Well, well, well…’Yun na!