Advertisers
PINAGSASAKSAK ng kanyang dating mister ang misis matapos umanong siraan ng huli sa social media ang dating mister nitong Lunes sa Barangay Basak, Mandaue City.
Kinilala ni Lieutenant Colonel Franco Rudolf Oriol, deputy director for operations ng Mandaue City Police Office (MCPO), ang naarestong salarin na si Julius Besabella.
Ang biktima ay kinilalang si Merry Joy Besabella, ng Labogon, Barangay Basak.
Sa report, 5:00 ng hapon ng Hulyo 17 nang pagsasaksakin ni Besabella ang 31 anyo na dating misis.
Ayon kay Oriol, naghiwalay ang mag-asawa dalawang taon na ang nakararaan nang mabuntis ng ibang lalaki ang misis.
Kahit hiwalay na, patuloy umanong iniinis ng misis ang dating mister sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang social media account ng mga negatibong komento sa huli.
Sa huling post ng paninira ng biktima, hindi na nakapagtimpi si Besabella, pinuntahan ang dating misis at walong ulit na sinaksak sa katawan pero hindi naman napuruhan.
Agad naaresto si Besabella at nahaharap sa kasong frustrated parricide.