Advertisers

Advertisers

5 MPD ‘KOTONG COPS’ IIMBESTIGAHAN NG PNP

0 217

Advertisers

SISILIPIN ng Philippine National Police (PNP) kung nasunod ng limang pulis ang ‘operational procedure’ sa kanilang operasyon sa isang computer shop sa Sampaloc, Maynila.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson, Colonel Jean Fajardo, matapos itanggi ng mga pulis ang akusasyon ng ‘robbery-extortion’ laban sa kanila.

Sinabi ni Fajardo na kanilang titingnan kung nagkaroon ng maayos na koordinasyon ang limang pulis at kung mayroon silang pre-operational clearance sa nasabing operasyon.

Base sa salaysay ni Staff Sergeant Ryan Tagle Paculan sa pagsuko sa PNP National Headquarters sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi nito na lehitimo ang kanilang operasyon sa computer shop na nagsasagawa umano ng online casino bagama’t walang kaukulang permit.

Itinanggi rin niya na kinuha nila ang P40,000 at P3,500 laman ng kaha at ang hard drive ng CCTV ng computer shop.

Hinihintay pa ng PNP ang resolusyon ng Manila Prosecutor’s Office sa kasong kriminal laban sa limang pulis na idineklarang awol (absent with official leave) matapos magtago simula nang mangyari ang pagpasok sa shop July 12 ng gabi.

Ang 73-anyos na may-ari ng shop na si Herminigildo Dela Cruz ay nagsumbong sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Sumuko lamang ang limang pulis na sina SSgt Paculan, SSgt. Jan Erwin Isaac, Cpl Jan Mark Dabucol, Pat. John Lester Pagar at Pat. Jeremiah Pascual Lunes ng gabi (July 17) sa tanggapan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at nagsumite ng kanilang counter affidavit sa Manila Prosecutor’s Office kinabukasan.