Advertisers

Advertisers

PAHAYAG NG TAGUIG CITY SA PAGKILALA NG LUNGSOD NG MAKATI SA DESISYON NG SUPREME COURT

0 152

Advertisers

MALUGOD na tinatanggap ng Lungsod ng Taguig ang kategoryang deklarasyon ni Mayor Abby Binay na igagalang ng Makati City ang final at executory decision ng Korte Suprema na nagdesisyon na tama ang Fort Bonifacio Military Reservation na binubuo ng parcels 3 at 4, Psu-2031, kasama ang pinagtatalunang 10 barangay ay kabilang sa Lungsod ng Taguig.

Ang concession speech sa isang video na nai-post sa Faceboook na ginawa nang matagal matapos na inilabas ng Korte Suprema ang Entry of Judgment na naglalagay ng tiyak na pagtatapos sa dalawang dekada na kaso, ay dapat na ngayong magbigay daan para sa maayos na paglipat ng administrasyon na nilalayon ng Taguig City na gagawin nang walang pagkagambala sa mga serbisyo publiko.

Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ang paglilingkod sa mga tao ay paglilingkod sa DIYOS. Sa lahat ng ating ginagawa, ibinibigay natin ang lahat ng mayroon tayo. Kaya, ang Lungsod ng Taguig ay nakahanda na gampanan ang responsibilidad ng pamamahala sa 10 barangay na may parehong taimtim na pangako at pagmamalasakit na ginawa natin sa ating 28 barangay.



Bagama’t naiintindihan ng lungsod ng Taguig ang sentimyento ni Mayor Binay sa paglipat ng administrasyon at ang mga implikasyon nito sa buhay ng mga residente ng 10 barangay, ang mga isyung inihain niya sa kanyang pahayag ay sa huli ay walang kaugnayan at may posibilidad na humadlang lamang sa pagkamit ng maayos na transisyon.

Taliwas sa tiyak na pahayag ni Mayor Binay na ang mga residente ng 10 barangay ay naliligaw sa paniniwalang sila ay magiging kwalipikado sa ilalim ng programa ng iskolarsip ng Lungsod ng Taguig.



“Tinitiyak namin sa ating mga bagong residente na sila ay pangangalagaan bilang mga residente ng Lungsod at walang alinlangan na karapat-dapat mapakinabangan ang mga programang pang-edukasyon nito. Sa halip na magpakalat ng mga maling senaryo na nagdudulot lamang ng pagkabalisa at kawalan ng tiwala, ang Taguig at Makati ay dapat maghangad ng iisang layunin —- ang kapakanan ng mga residente ng mga kinauukulang barangay. Iminumungkahi namin na ang dalawang lungsod ay lumikha ng magkasanib na pangkat ng paglipat na magtutulungan.” ani Cayetano

Makikipag-ugnayan ang transition team sa mga pambansang ahensya at lahat ng stakeholder para sa mabilis at maayos na paglipat ng administrasyon. Iiwasan natin ang pagkagambala sa serbisyo publiko at pagsikapang higit pang pagbutihin ang mga programang iniaalok sa mga residente.



Kung walang ganitong ‘honest-to-goodness active cooperation’ ay magdurusa ang kapakanan ng mga residente ng 10 barangay na sinasabing prayoridad ng Makati. Dapat nating itugma sa tamang kilos ang ating matatayog na salita na “ang kanilang kapakanan ang ating prayoridad”.dagdag ni Cayetano. (JOJO SADIWA)