Advertisers
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 200th Commencement Exercises ng may 224 na kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) “Madasiklan” Class of 2023 sa San Narciso, Zambales.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni PBBM na ipinamalas ng mga kadete ang commitment, dedikasyon at integridad sa kanilang pag-aaral sa akademya.
Ayon kay Pangulong Marcos, sa loob ng apat na taon sa PMMA ay niyakap ng mga nagsipagtapos ang kailangang kasanayan at values bilang paghahanda sa nakaabang na tungkulin para sa bayan.
Hinamon ng Presidente ang mga ito na gawin ang lahat sa pagtupad ng kanilang tungkulin ng buong puso at katatagan.
Kasabay nito, pinasalamatan din ng chief executive ang private shipping industry sa suporta nito sa akademya habang tumutulong din aniya ito sa pagsulong ng bansa bilang maritime nation.
Binati din niya ng “job well done” ang mga midshipmen, kasabay ng panawagan na panatilihin ang magandang pangalan ng bansa sa maritime industry sa buong mundo.
Ang mga nagsipagtapos ay bibigyan ng ranggong 2nd lieutenant kung saan kasama sa mga opsiyon na maaari nilang paglingkuran ang Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG), at Merchant Marine Fleet.
Nabatid na ang 216 sa mga nagsipagtapoos ay ang mga lalaki hbabang walo naman ang mga babae.
Itinanghal bilang class valedictorian si Midshipman 1st Class Allan Jay Jumamoy.
Siya ay isa sa 9,623 applicants na sinubukang pumasok sa akademya at nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Marine Engineering kung saan consistent rank no.1 ito sa kanilang kurso mula pa noong unang taon nila sa klase. (Gilbert Perdez)