Advertisers

Advertisers

Banta ni VP Sara na ipapatay si PBBM, sapat na para sa impeachment – NBI Dir. Matibag

0 6

Advertisers

KUMPIYANSA si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na sapat na umano ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na ipapapatay niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging basehan ng impeachment.

Sinabi ni Matibag, ang naturang pahayag ay maaaring ituring na betrayal of public trust at paglabag sa Konstitusyon.

“’Yun mismo pong extrajudicial admission ng Vice President na kumausap siya ng mamamatay-tao para patayin ang Presidente, that already contains an impeachable offense,” pahayag ni Matibag.



Nagpatotoo rin sina NBI Special Agent John Mark Calilung at NBI-BARMM Regional Director Jeremy Lotoc tungkol sa imbestigasyon sa mga banta laban kay Pang. Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at former Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon kay Matibag, nanatiling pare-pareho ang testimonya ng tatlong NBI officials kahit sinubukan itong kuwestiyunin ng depensa.



Binigyang-diin din ni Matibag na hindi kailangang mahatulan muna sa kasong kriminal si Duterte bago ito maging basehan ng impeachment dahil magkaiba ang pamantayan ng ebidensya sa criminal at impeachment proceedings.

Dagdag pa niya, hindi rin dahilan ang mataas na public trust rating upang mapawalang-sala ang isang ilegal na gawain.



Para kay Matibag, sa legal na usapin, sapat na umano ang Article IV ng impeachment complaint upang maging basehan ng impeachment ni Duterte.