Advertisers

Advertisers

Ilang lugar sa Luzon suspendido ang klase dahil sa habagat

0 7

Advertisers

SUSPENDIDO ang klase sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Lunes, Agosto 10, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o habagat.

Kabilang sa mga nagdeklara ng suspensyon ang Ilocos Sur, Abra, Benguet, Baguio City, Mountain Province, Bulacan at Nueva Ecija, kung saan suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa Pampanga, suspendido naman ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Arayat, Bacolor, Candaba, Macabebe, Mexico, Minalin, City of San Fernando, San Simon, Sta. Ana at Sto. Tomas.



Habang sa Batangas naman, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Lemery, at inilipat sa modular o online class ang mga klase.

Sa Cavite, walang klase sa lahat ng antas sa Bacoor, habang suspendido rin ang klase sa Cavite City at ipinatupad ang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno, maliban sa mga empleyadong kabilang sa essential services.



Sa Metro Manila, walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Maynila, Marikina City at Quezon City.

Samantala, suspendido naman ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Ilocos Sur, Abra, Mountain Province at ilang lugar sa Cavite, batay sa mga lokal na abiso.



Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan dahil maaaring magbago ang class suspension depende sa lagay ng panahon.