Advertisers

Advertisers

‘Di hadlang ang kahirapan para tagumpay… ANAK NG SEKYU, ITINANGHAL NA PMMA VALEDICTORIAN

0 132

Advertisers

MULING pinatunayan ng isang kadete ng Phil. Merchant Marine Academy (PMMA) na hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng mga pangarap.

Ito’y matapos tanghalin si Midshipman 1st Class Allan Jay Jumamoy bilang valedictorian ng Madasiklan Class of 2023.

Ang Madasiklan ay nangangahulugang “magiting na may dangal at simbolo ng kawal ng karagatan.”



Si Jumamoy ay anak ng isang housewife at security guard sa Tagbilaran City, Bohol.

Sa kanyang valedictory speech, sinabi ni Jumamoy na ang kanilang pagtatapos ay bunga ng sakripisyo at pagsusumikap nila sa loob ng apat na taon sa akademya.



Sinubok aniya ang katatagan nila nang pumasok ang pandemya.

Kaya naman, nagpapasalamat siya sa PMMA sa todong suporta na ibinigay sa kanila para makatapos ng pag-aaral.



Kasabay nito, hinamon ni Jumamoy ang mga kapwa niya kadete na gamitin ang mga natutunan nila sa akademya sa pagpasok nila sa pagsisilbi sa bayan. (Gilbert Perdez)