Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
TAMA nga ang kasabihan na “Walang maliit na hindi nakakapuwing” or may I say na tinalo ni David si Goliath.
Yes, ‘yan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng EAT BULAGA ng Tape Inc. ng mga Jalosjos (Cong. Jon-jon and Mayor Bullet) at sa bagong show ng TVJ na E.A.T. sa TV5.
Yes, sa bagong survey ng AGB Nielsen Philippines o NUTAM, National Rating nitong July 19, 2023 ay tinalo o pinadapa na nina Yorme Isko Moreno, Paolo Contis at Buboy Villar sina Tito, Vic and Joey sa rating na 4.12% kontra sa rating ng E.A.T na nakakuha lamang ng 3.79% sa araw na ito.
Well, isa lang ang masasabi namin diyan, buong pusong tinanggap ng nakararami nating mga Kapuso sa bawat tahanan ang Eat Bulaga na number one na sa NUTAM, METRO MANILA, BALANCE LUZON, VISAYAS at MINDANAO.
Yes, flop na ang E.A.T sa buong Pinas (flop nga ba?) So, sino ngayon ang vindicated sa isyu ng sinasabi nilang Jalosjos and TVJ war? Well, ang taong bayan na ang humusga, ang Jalosjos ang mas pinaniniwalaan dahil wala naman silang inaaway o pinalayas kundi sila ang inaway ng TVJ especially Tito Sotto na kung anu-ano ang mga sinasabi laban sa mga Jalosjos. Saka bakit sila tinatalo ngayon ng EAT BULAGA, simple lang ang sagot diyan. Ang mga bagong host ng EB ay chill and relax at good vibes everyday ang hatid sa kanilang live audience at televiewers.
At ang hangad nila ay makapaghatid ng saya at tulong araw-araw sa ating mga Kapuso, lalo na sa mga kababayan nating patuloy na nagsisikap at lumalaban sa hamon ng buhay, mabuhay lang ang kanilang bawat pamilya.
Yes, kaya naman sa lahat ng segment ng nagbabanggaang noontime show ay number 1 itong “G Sa GEDLI” ni Yorme Isko. At tama rin si Mayor Bullet at Chief of Finance ng Tape Incorporated sa sinabi nito noong layasan sila ng TVJ at mga kasamang Dabarkads na “Ang pag-alis ng mga hosts (TVJ) ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo,” sabi pa ni Mayor Bullet at dagdag pa nito, “Abangan n’yo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan n’yo ang mas masaya, mas nakakaaliw at higit pa sa isang libo’t isang tuwa ng Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso mula Aparri hanggang Jolo at sa buong mundo.”
Lahat ng mga naging pahayag ni Sir Bullet ay nagkatotoo at araw-araw ay marami silang napapasaya at mga natutulungang mga Kapuso. Binabati namin sina Yorme Isko, Paolo, Buboy, Betong, Alexa Miro at magkapatid na Cassy at Mavy sa kanilang malaking tagumpay. Also sa mga big boss ng Tape Inc. na sina Cong. Jon-jon, Mayor Bullet, Ma’am Soraya, mga writer, production staff at bagong director ng EB na si Direk Jun Zarate. Of course, I’d like to congratulate also ang “LUCKY CHARM” ng Jalosjos Brothers na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na celebrity lawyer at ramp model. Yes, hindi lang siya tagapagtanggol ng mga Jalosjos, number supporter din siya ng labs naming EAT BULAGA! Kaya, kung gusto niyong maging masaya ang inyong bawat pananghalian ay manood na ng EAT BULAGA, Mondays to Saturdays, 12 noon sa GMA7. LOVE IT!