Advertisers

Advertisers

Ricci binuking ni Andrea, 1 year ‘di nagpapalaba, dugyot isyu lumutang

0 246

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MULI na namang nabuhay ang isyu kina Andrea Brillantes at Ricci Rivero dahil sa mga naging pahayag ng una sa vlog ni Vice Ganda.
Bukod kasi sa walang closure, hindi rin naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa.
Sa panayam kay Andrea, isiniwalat ng aktres ang mga regalong nagkakahalaga ng milyones sa dyowa na kung babawiin niya ay mauubos umano ang mga gamit nito sa condo.
Pinag-usapan din ang naging payo ng Kapamilya actress kung paano makaka-move on ang mga tulad niya na nakaranas ng heartbreak sa kanilang mga dyowa.
Isa raw dito ay ang isipin ang mga bagay na nakaka-turn off sa ex tulad na lamang sa kaso niya na imbudo umano sa ‘kadugyutan’ ng ex na hindi nagpapa-laundry ng kanyang mga damit sa loob ng isang taon sa kanyang condo.
Nag-react naman ang anchors ng show sa nasabing pahayag o mga pasabog ni Andrea nang mai-feature ito sa TV Patrol.
Kahit walang tinutumbok, lumalabas kasing may insinwasyon na may hygiene issues ang ex ng actress na obviously ay tumutumbok sa basketball player.
“Anong isang taon? Isang taong hindi nagla-laundry ng alin?”, pang-uusisa ni Alvin Elchico.
“Mga damit siguro ano ba ang ila-laundry, e, di damit,” sagot ni Kabayan Noli de Castro.
“O, e, bakit isang taon? Parang side A at side B ganu’n?”, pang-uurot ni Alvin.
Tawa na lang ang naging reaksyon ni Bernadette Sembrano.
“Tinatanong ko nga kasi hindi ko alam,” pangungulit ni Alvin.
“Mga damit niya siguro matagal nang hindi nalabhan ng sarili,” opinyon ni Kabayan.
“Baka naman naiwan niya sa trunk ng kotse ‘yung kanyang damit kaya isang taong hindi nalabhan?” sabat ni Bernadette.
“Antay natin ‘yung sagot,” sey ni Alvin.
“Naiwan sa trunk? Ito naman,” giit ng dating Bise Presidente.
“Malay mo naman. Baka hindi mabaho ‘yung tao. Ba’t nga ba hindi nagpa-laundry?” katuwiran ni Bernadette.
“E, baka naglalaba ng kanya,” bulalas ni Noli .
“Baka naman ang kanyang mga damit, e, wash and wear? Or never wash, just wear,” ani Kabayan.
“O, baka disposable?” pasubali ni Bernadette.
“Yan ang hirap kapag nag-away kayo ng ex pati sikreto mo ibubulgar,” pagtatapos ni Noli.
Dahil sa isyung ito, abangers ang mga marisol sa resbak ni Ricci lalo na’t nababahiran ng malisya ang kontrobersya na umanoý ginamit lang niya ang ex at may hygiene issues ang basketball player sa katawan.