Advertisers
Ni JOVI LLOZA
USO na ngayon ang collaboration ng magkalabang channel.
Ngayon nga na nasa GTV na ang It’s Showtime ay inaayos na ang guesting ng mga Kapamilya.
Kung si Vhong Navarro ay feel si Alden Richards na mag-guest sa kanilang noontime show na It’s Showtime.
At si Michael V ay target na makapag- guest si Vice Ganda sa kanilang sitcom.
Puwede rin naman si Vhong sa Bubble Gang if ever may imbitasyon.
Di naman puwedeng ikuwestyon ang husay ni Vhong in terms of pagpapatawa.
For sure na hindi naman tatanggihan ni Vhong ang imbitasyon.
Kahit nga si Anne Curtis ay nakapag- guest na sa Fast Talk ni Kuya Boy.
Si Barbie Forteza ay nag-guest na rin sa Showtime nang tumuntong na ang show sa Kapuso network.
Natuwa ang mga netizen sa collab ng dating magkalabang network dahil magkakaayos na ang lahat.
***
Vlogger napareak kay Lea sa dayalog na ok lang maubusan ng fans
BUMIRA na naman itong isang vlogger regarding sa tinuran ni Lea Salonga sa mga sumugod na fans sa kanyang dressing rooms.
May ilang kapwa artist ni Lea na nagsasabi na dapat naihatid nang maayos ang kanyang mga binitawang salita.
Ang dating kasi, parang napahiya ang fans na bumili pa naman ng mahal na ticket sa show.
Pero nabigo ang fans na magpa- picture kay Lea kaya dismayado ang mga ito sa kanilang na-experience.
Ayon kasi kay Lea, kailangan nitong protektahan ang sarili at need naman daw na may boundaries kahit maubos pa ang fans nito.
Bumili lang daw sila ng ticket para sa show at hindi naman anya unli ang access sey ng award-winning singer actress.
Binira naman si Lea ng motivational vlogger na si Rendon Labador regarding sa kahit maubos ang fans.
Buti nga raw may mga fans pa siya kahit laos na.
Well, well, well…’Yun na!