Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni Charlie Dizon kasama si Joseph Marco sa morning show ng TV5 na Gud Morning Kapatid para i-promote ang serye nilang Pira-Pirasong Paraiso, nadulas ang aktres na inamin na boyfriend niya si Carlo Aquino.
Sa huling bahagi kasi ng show ay may ipinakita ang mga host na larawan sa screen at magko-comment sila rito.
Una muna ang larawan ng girlfriend ni Joseph, ang Russian model-influencer na si Dasha Romanova.
Kasunod na ipinakita ay ang larawan ni Carlo.
Bigla na lamang sinabi ni Charlie na, “Opo, boyfriend ko po siya.”
Dagdag niya na natatawa, “Ay, first time ko sinabi sa inyo yan.”
Paano sila nag-click?
Sagot ni Charlie, “Paano nag-click? Di ko alam, e, kasi makuwento talaga akong tao.
“Tapos siya yung tahimik, so siguro dun, na-balance.”
Hindi na kami nagulat sa pag-amin ni Charlie na sila na ni Carlo. Obvious naman kasi na may namamagitan sa kanila dahil lagi silang spotted na magkasama, at lagi rin silang nagti-TikTok together.
Sana ay magtagal ang relasyong Carlo at Charlie.
***
G TOENGI SANGKOT SA DAHIL nadawit ang pangalan ng dating aktres na si G Toengi kaugnay ng isyung kinasasangkutan ngayon ni Lea Salonga kaya naman nag-react siya.
Viral ang video ni Lea na pinagsasabihan ang grupo ng mga nagpakilalang Filipino fans, na pumasok sa kanyang dressing room, matapos manood ang mga ito ng Broadway musical na Here Lies Love sa New York, USA.
Sabi ni Lea, hindi puwedeng basta dumiretso sa kanyang dressing room kung wala ang mga ito sa guest list.
Sa viral video, maririnig ang isang babaeng fan na sinabing kilala nila si G, na co-producer umano ng musical.
Na parang sinasabi nito na sapat na dahilan na yun para dumiretso kay Lea at makapagpa-picture kasama siya.
Pero iginiit ng unang gumanap na Miss Saigon na wala sa listahan ang grupo at paglabag sa protocol ang ginawa ng mga ito.
Gayunman, nagpa-picture pa rin si Lea sa mga ito. Pero hindi sa loob ng kanyang dressing room. Niyaya niya ang mga ito sa isang lugar sa back stage ng kanyang musical at roon na lang sila nagpa-picture na kasama siya.
Narito ang bahagi ng post ni G, bilang reaksyon sa pagkakabanggit ng fan sa kanyang pangalan kay Lea.
Sabi ni G: “We really appreciate everyone who followed our safety protocols for our artists.
“If you want the chance to meet the cast & get your playbills signed, please proceed directly out of the theater to stage door after the show on 53rd street between Broadway and 8th. Maraming maraming salamat po!”